Quran Apps in many lanuages:

Surah Ash-Shura Ayahs #51 Translated in Filipino

اسْتَجِيبُوا لِرَبِّكُمْ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَأْتِيَ يَوْمٌ لَا مَرَدَّ لَهُ مِنَ اللَّهِ ۚ مَا لَكُمْ مِنْ مَلْجَإٍ يَوْمَئِذٍ وَمَا لَكُمْ مِنْ نَكِيرٍ
Magsipakinig kayo sa panawagan ng inyong Panginoon (alalaong baga, tanggapin ninyo ang Islam, ang Kaisahan ni Allah, O kayo na mga tao at mga Jinn) bago dumatal sa inyo ang Araw na hindi na maaantala (sa pag-uutos) ni Allah! wala kayong pagtataguan (sa kaligtasan) sa Araw na ito at gayundin naman ay hindi ninyo maipagkakaila (ang inyong mga kasalanan na nakasulat na lahat saTalaan ng inyong mga gawa)
فَإِنْ أَعْرَضُوا فَمَا أَرْسَلْنَاكَ عَلَيْهِمْ حَفِيظًا ۖ إِنْ عَلَيْكَ إِلَّا الْبَلَاغُ ۗ وَإِنَّا إِذَا أَذَقْنَا الْإِنْسَانَ مِنَّا رَحْمَةً فَرِحَ بِهَا ۖ وَإِنْ تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ فَإِنَّ الْإِنْسَانَ كَفُورٌ
Nguni’t kung sila ay magsitalikod (O Muhammad, sa Islam at sa Kaisahan ni Allah), ikaw ay hindi Namin isinugo upang maging Hafiz (tagapangalaga, tagapamahala at tagapagbayad ng kanilang mga gawa) sa kanila. Ang iyo lamang tungkulin ay upang iparating (ang Kapahayagan). At katotohanan, nang Aming gawaran ang tao na malasap ang Habag mula sa Amin, siya ay nagagalak dito; datapuwa’t kung ang ilang kahirapan ay sumapit sa kanila dahilan sa masamang ginawa ng kanilang kamay, katiyakan na ang tao ay walang utang na loob ng pasasalamat
لِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ ۚ يَهَبُ لِمَنْ يَشَاءُ إِنَاثًا وَيَهَبُ لِمَنْ يَشَاءُ الذُّكُورَ
Kay Allah ang pag-aangkin ng kapamahalaan ng kalangitan at kalupaan. Lumilikha Siya ng Kanyang maibigan. Siya ang nagkakaloob (ng mga anak), lalaki man o babae ayon sa Kanyang kapasiyahan
أَوْ يُزَوِّجُهُمْ ذُكْرَانًا وَإِنَاثًا ۖ وَيَجْعَلُ مَنْ يَشَاءُ عَقِيمًا ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ قَدِيرٌ
o Siya ang nagkakaloob ng kapwa lalaki at babae, at hinahayaan Niyang mabaog ang sinumang Kanyang naisin; sapagkat katotohanang Siya ay Puspos ng Kaalaman at may kapangyarihan sa lahat ng bagay
وَمَا كَانَ لِبَشَرٍ أَنْ يُكَلِّمَهُ اللَّهُ إِلَّا وَحْيًا أَوْ مِنْ وَرَاءِ حِجَابٍ أَوْ يُرْسِلَ رَسُولًا فَيُوحِيَ بِإِذْنِهِ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّهُ عَلِيٌّ حَكِيمٌ
Hindi isang katampatan sa sinumang tao na si Allah ay makipag-usap sa kanya maliban (lamang) sa pamamagitan ng inspirasyon, o sa likod ng lambong, o kung Siya ay magsusugo ng isang Tagapagbalita upang ipahayag Niya ang Kanyang layon sa Kanyang nais. Katotohanang Siya ang Kataas-taasan, ang Pinakamaalam

Choose other languages: