Surah Ash-Shura Ayahs #53 Translated in Filipino
أَوْ يُزَوِّجُهُمْ ذُكْرَانًا وَإِنَاثًا ۖ وَيَجْعَلُ مَنْ يَشَاءُ عَقِيمًا ۚ إِنَّهُ عَلِيمٌ قَدِيرٌ
o Siya ang nagkakaloob ng kapwa lalaki at babae, at hinahayaan Niyang mabaog ang sinumang Kanyang naisin; sapagkat katotohanang Siya ay Puspos ng Kaalaman at may kapangyarihan sa lahat ng bagay
وَمَا كَانَ لِبَشَرٍ أَنْ يُكَلِّمَهُ اللَّهُ إِلَّا وَحْيًا أَوْ مِنْ وَرَاءِ حِجَابٍ أَوْ يُرْسِلَ رَسُولًا فَيُوحِيَ بِإِذْنِهِ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّهُ عَلِيٌّ حَكِيمٌ
Hindi isang katampatan sa sinumang tao na si Allah ay makipag-usap sa kanya maliban (lamang) sa pamamagitan ng inspirasyon, o sa likod ng lambong, o kung Siya ay magsusugo ng isang Tagapagbalita upang ipahayag Niya ang Kanyang layon sa Kanyang nais. Katotohanang Siya ang Kataas-taasan, ang Pinakamaalam
وَكَذَٰلِكَ أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ رُوحًا مِنْ أَمْرِنَا ۚ مَا كُنْتَ تَدْرِي مَا الْكِتَابُ وَلَا الْإِيمَانُ وَلَٰكِنْ جَعَلْنَاهُ نُورًا نَهْدِي بِهِ مَنْ نَشَاءُ مِنْ عِبَادِنَا ۚ وَإِنَّكَ لَتَهْدِي إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
At sa gayon ay Aming ipinadala sa iyo (o Muhammad) ang ruhan (isang inspirasyon at Habag) mula sa Aming pag-uutos. Hindi mo nababatid kung ano ang Aklat, gayundin kung ano ang Pananampalataya? Datapuwa’t ginawa Namin ito (Qur’an) bilang isang Liwanag upang Aming mapatnubayan ang sinuman sa Aming alipin na Aming mapusuan. At katotohanang ikaw (o Muhammad) ay katunayang namamatnubay (sa sangkatauhan) sa Tuwid na Landas (alalaong baga, sa Islam at sa Kaisahan ni Allah)
صِرَاطِ اللَّهِ الَّذِي لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ أَلَا إِلَى اللَّهِ تَصِيرُ الْأُمُورُ
Sa Landas ni Allah, na Siyang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. Katotohanan, ang lahat ng mga pangyayari ay nasa (pagpapasya) ni Allah. 768 mgA PAlAmuting ginto
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
