Surah Ash-Shura Ayahs #47 Translated in Filipino
وَلَمَنْ صَبَرَ وَغَفَرَ إِنَّ ذَٰلِكَ لَمِنْ عَزْمِ الْأُمُورِ
Datapuwa’t katiyakan, kung sinuman ang magpamalas ng pagtitiyaga at magpatawad, walang pagsala na ito ang bagay na ikinalulugod ni Allah
وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ وَلِيٍّ مِنْ بَعْدِهِ ۗ وَتَرَى الظَّالِمِينَ لَمَّا رَأَوُا الْعَذَابَ يَقُولُونَ هَلْ إِلَىٰ مَرَدٍّ مِنْ سَبِيلٍ
At sinumang naisin ni Allah na maligaw, walang sinumang wali (tagapangalaga) ang sasakanya maliban sa Kanya (Allah). At inyong mapagmamalas ang Zalimun (mga tampasalan, mapaggawa ng kamalian, mapagsamba sa mga diyus-diyosan), kung kanilang mamasdan ang kaparusahan, ay magsasabi: “Mayroon baga kayang paraan upang makabalik (sa kalupaan)?”
وَتَرَاهُمْ يُعْرَضُونَ عَلَيْهَا خَاشِعِينَ مِنَ الذُّلِّ يَنْظُرُونَ مِنْ طَرْفٍ خَفِيٍّ ۗ وَقَالَ الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّ الْخَاسِرِينَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ وَأَهْلِيهِمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ أَلَا إِنَّ الظَّالِمِينَ فِي عَذَابٍ مُقِيمٍ
At inyong mapagmamalas sila na itatambad (sa Impiyerno), na kaaba-aba sa kawalan ng dangal, at nagsisitingin nang panakaw. At ang mga sumasampalataya ay magsasabi: “Katotohanan, ang mga talunan ay sila na nagpalungi ng kanilang sarili at kanilang pamilya sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Pagmasdan! Ang Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, atbp.) ay nasa walang hanggang kaparusahan!”
وَمَا كَانَ لَهُمْ مِنْ أَوْلِيَاءَ يَنْصُرُونَهُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۗ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ سَبِيلٍ
At walang sinumang Auliya (tagapangalaga) ang makakatulong sa kanila maliban kay Allah. At sinuman na hinayaan ni Allah na maligaw, sa kanya ay walang paraan (ng pag-asa)
اسْتَجِيبُوا لِرَبِّكُمْ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَأْتِيَ يَوْمٌ لَا مَرَدَّ لَهُ مِنَ اللَّهِ ۚ مَا لَكُمْ مِنْ مَلْجَإٍ يَوْمَئِذٍ وَمَا لَكُمْ مِنْ نَكِيرٍ
Magsipakinig kayo sa panawagan ng inyong Panginoon (alalaong baga, tanggapin ninyo ang Islam, ang Kaisahan ni Allah, O kayo na mga tao at mga Jinn) bago dumatal sa inyo ang Araw na hindi na maaantala (sa pag-uutos) ni Allah! wala kayong pagtataguan (sa kaligtasan) sa Araw na ito at gayundin naman ay hindi ninyo maipagkakaila (ang inyong mga kasalanan na nakasulat na lahat saTalaan ng inyong mga gawa)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
