Quran Apps in many lanuages:

Surah Ash-Shura Ayahs #36 Translated in Filipino

وَمِنْ آيَاتِهِ الْجَوَارِ فِي الْبَحْرِ كَالْأَعْلَامِ
At ang ilan sa Kanyang mga Tanda ay ang mga barko, na makinis na naglalayag sa karagatan, na waring mga bundok
إِنْ يَشَأْ يُسْكِنِ الرِّيحَ فَيَظْلَلْنَ رَوَاكِدَ عَلَىٰ ظَهْرِهِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِكُلِّ صَبَّارٍ شَكُورٍ
Kung Kanyang naisin, magagawa Niyang patigilin ang hangin, sa gayon sila ay hindi makakagalaw sa kanilang likuran (na nakasayad sa dagat). Katotohanan, naririto ang mga Tanda sa sinumang matimtiman at may loob ng pasasalamat
أَوْ يُوبِقْهُنَّ بِمَا كَسَبُوا وَيَعْفُ عَنْ كَثِيرٍ
o magagawa Niyang wasakin sila (sa pagkalunod) dahilan sa (kasamaan) na kanilang kinita, datapuwa’t Siya ay higit na nagpapatawad
وَيَعْلَمَ الَّذِينَ يُجَادِلُونَ فِي آيَاتِنَا مَا لَهُمْ مِنْ مَحِيصٍ
At sila (mga pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, atbp.) na nagsisipagtalo-talo tungkol sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.), kanilang mapag- aalaman na walang lugar ng kaligtasan para sa kanila (sa kaparusahan ni Allah)
فَمَا أُوتِيتُمْ مِنْ شَيْءٍ فَمَتَاعُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَمَا عِنْدَ اللَّهِ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ لِلَّذِينَ آمَنُوا وَعَلَىٰ رَبِّهِمْ يَتَوَكَّلُونَ
At anumang ibinigay ninyo ay isa lamang nagdaang kasiyahan sa makamundong buhay na ito, datapuwat ang (nakalaan) mula kay Allah (Paraiso) ay higit na mainam at nagtatagal sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) at nagbibigay ng kanilang pagtitiwala sa kanilang Panginoon (sa lahat ng pangyayari sa kanilang buhay)

Choose other languages: