Quran Apps in many lanuages:

Surah Ar-Rad Ayahs #26 Translated in Filipino

وَالَّذِينَ صَبَرُوا ابْتِغَاءَ وَجْهِ رَبِّهِمْ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَأَنْفَقُوا مِمَّا رَزَقْنَاهُمْ سِرًّا وَعَلَانِيَةً وَيَدْرَءُونَ بِالْحَسَنَةِ السَّيِّئَةَ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عُقْبَى الدَّارِ
At sila na nagsisipagtiis, na naghahanap ng Pagsang-ayon ng kanilang Panginoon, at nag-aalay ng dasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salat), at gumugugol mula sa (biyaya) na Aming ipinagkaloob sa kanila, ng lihim at lantad, at umiiwas sa kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan, para sa kanila ay mayroong mainam na hantungan
جَنَّاتُ عَدْنٍ يَدْخُلُونَهَا وَمَنْ صَلَحَ مِنْ آبَائِهِمْ وَأَزْوَاجِهِمْ وَذُرِّيَّاتِهِمْ ۖ وَالْمَلَائِكَةُ يَدْخُلُونَ عَلَيْهِمْ مِنْ كُلِّ بَابٍ
walang hanggang Halamanan sa Paraiso na kanilang papasukin at (gayundin naman), sila na nagsigawa nang matuwid mula sa lipon ng kanilang mga ama, at kanilang mga asawang (babae), at kanilang mga anak. At ang mga anghel ay papasok sa kanila sa bawat tarangkahan (na nagsasabi)
سَلَامٌ عَلَيْكُمْ بِمَا صَبَرْتُمْ ۚ فَنِعْمَ عُقْبَى الدَّارِ
“Salamun alaykum” (Ang kapayapaan ay sumainyo) sapagkat kayo ay nagsipagtiyaga sa pagbabata! Tunay na pagkagaling-galing ang huling Tahanan!”
وَالَّذِينَ يَنْقُضُونَ عَهْدَ اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مِيثَاقِهِ وَيَقْطَعُونَ مَا أَمَرَ اللَّهُ بِهِ أَنْ يُوصَلَ وَيُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ ۙ أُولَٰئِكَ لَهُمُ اللَّعْنَةُ وَلَهُمْ سُوءُ الدَّارِ
At sila na sumisira sa kasunduan ni Allah, pagkaraan nang pagpapatibay dito, at pumuputol sa mga ipinag- uutos ni Allah na marapat na magkaisa (alalaong baga, ipinagwawalang bahala ang bigkis ng pagkakamag-anak at hindi mabuti ang pakikitungo sa kanilang mga kamag- anak), at gumagawa ng kabuktutan sa kalupaan, sasakanila ang sumpa (ni Allah, alalaong baga, sila ay malalayo sa Habag Niya); at para sa kanila ang malungkot (masamang) tahanan (alalaong baga, ang Impiyerno)
اللَّهُ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ وَفَرِحُوا بِالْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا فِي الْآخِرَةِ إِلَّا مَتَاعٌ
Si Allah ang nagpaparami ng biyaya (pagkain at pangangailangan) sa sinumang Kanyang maibigan at nagpapaunti nito (sa sinumang Kanyang maibigan), at sila ay nagsisipagsaya sa buhay sa mundong ito, datapuwa’t ang buhay sa mundong ito kung ihahambing sa Kabilang Buhay ay isa lamang pagsasaya na pansamantalang dumaraan

Choose other languages: