Surah Ar-Rad Ayahs #24 Translated in Filipino
الَّذِينَ يُوفُونَ بِعَهْدِ اللَّهِ وَلَا يَنْقُضُونَ الْمِيثَاقَ
Sila na tumutupad sa Kasunduan kay Allah at hindi sumisira sa Mithaq (usapan, kasunduan)
وَالَّذِينَ يَصِلُونَ مَا أَمَرَ اللَّهُ بِهِ أَنْ يُوصَلَ وَيَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ وَيَخَافُونَ سُوءَ الْحِسَابِ
Sila na nakikipagkaisa sa mga bagay na ipinag-utos ni Allah na pag-isahin (alalaong baga, sila ay mabuti sa kanilang mga kamag-anak at hindi sumisira sa bigkis ng pamilya), may pagkatakot sa kanilang Panginoon at nangangamba sa kahila-hilakbot na pagbabalik-gunita (alalaong baga, ang pagsusulit sa Kabilang Buhay, kaya’t sila ay umiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan at nagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na ipinag-utos ni Allah)
وَالَّذِينَ صَبَرُوا ابْتِغَاءَ وَجْهِ رَبِّهِمْ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَأَنْفَقُوا مِمَّا رَزَقْنَاهُمْ سِرًّا وَعَلَانِيَةً وَيَدْرَءُونَ بِالْحَسَنَةِ السَّيِّئَةَ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عُقْبَى الدَّارِ
At sila na nagsisipagtiis, na naghahanap ng Pagsang-ayon ng kanilang Panginoon, at nag-aalay ng dasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salat), at gumugugol mula sa (biyaya) na Aming ipinagkaloob sa kanila, ng lihim at lantad, at umiiwas sa kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan, para sa kanila ay mayroong mainam na hantungan
جَنَّاتُ عَدْنٍ يَدْخُلُونَهَا وَمَنْ صَلَحَ مِنْ آبَائِهِمْ وَأَزْوَاجِهِمْ وَذُرِّيَّاتِهِمْ ۖ وَالْمَلَائِكَةُ يَدْخُلُونَ عَلَيْهِمْ مِنْ كُلِّ بَابٍ
walang hanggang Halamanan sa Paraiso na kanilang papasukin at (gayundin naman), sila na nagsigawa nang matuwid mula sa lipon ng kanilang mga ama, at kanilang mga asawang (babae), at kanilang mga anak. At ang mga anghel ay papasok sa kanila sa bawat tarangkahan (na nagsasabi)
سَلَامٌ عَلَيْكُمْ بِمَا صَبَرْتُمْ ۚ فَنِعْمَ عُقْبَى الدَّارِ
“Salamun alaykum” (Ang kapayapaan ay sumainyo) sapagkat kayo ay nagsipagtiyaga sa pagbabata! Tunay na pagkagaling-galing ang huling Tahanan!”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
