Quran Apps in many lanuages:

Surah Ar-Rad Ayahs #4 Translated in Filipino

المر ۚ تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ ۗ وَالَّذِي أُنْزِلَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ الْحَقُّ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يُؤْمِنُونَ
Alif, Lam, Mim, Ra (mga titik A, La, Ma, Ra). Ito ang mga Talata ng Aklat (ang Qur’an), ang ipinahayag sa iyo (o Muhammad) mula sa iyong Panginoon ay ang Katotohanan, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya
اللَّهُ الَّذِي رَفَعَ السَّمَاوَاتِ بِغَيْرِ عَمَدٍ تَرَوْنَهَا ۖ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۖ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ ۖ كُلٌّ يَجْرِي لِأَجَلٍ مُسَمًّى ۚ يُدَبِّرُ الْأَمْرَ يُفَصِّلُ الْآيَاتِ لَعَلَّكُمْ بِلِقَاءِ رَبِّكُمْ تُوقِنُونَ
Si Allah ang Siyang nagtaas sa kalangitan na wala ni anumang haligi kayong mapagmamalas. At pagkatapos, Siya ay nag-istawa (pumaibabaw) sa Luklukan (sa paraang naaangkop sa Kanyang Kamahalan, at hindi literal na Siya ay pisikal na nakaupo na tulad ng mga nilikha). Ipinailalim Niya (sa Kanyang pag-uutos) ang araw at buwan (upang magpatuloy na umiinog)! Ang bawat isa ay tumatakbo sa (kanyang daan) sa natatakdaang panahon. Siya ang namamahala sa lahat ng bagay-bagay (pangyayari), na nagpapaliwanag sa Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) sa masusing paraan, upang kayo ay manampalataya ng may katiyakan sa pakikipagtipan ninyo sa inyong Panginoon
وَهُوَ الَّذِي مَدَّ الْأَرْضَ وَجَعَلَ فِيهَا رَوَاسِيَ وَأَنْهَارًا ۖ وَمِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ جَعَلَ فِيهَا زَوْجَيْنِ اثْنَيْنِ ۖ يُغْشِي اللَّيْلَ النَّهَارَ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ
At Siya ang naglatag ng sangkalupaan at naglagay dito ng matatatag na mga bundok, at mga ilog, at lahat ng uri ng bungangkahoy. Lumikha Siya ng Zawjain (lahat ng uri na magkapares, o dalawang uri na magkaiba, tulad ng itim at puti, matamis at maasim, maliit at malaki, atbp.). Nilikha Niya ang gabi upang pangkanlong sa araw (maghapon). Katotohanan, sa ganitong mga bagay ay may Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) sa mga tao na nagmumuni-muni
وَفِي الْأَرْضِ قِطَعٌ مُتَجَاوِرَاتٌ وَجَنَّاتٌ مِنْ أَعْنَابٍ وَزَرْعٌ وَنَخِيلٌ صِنْوَانٌ وَغَيْرُ صِنْوَانٍ يُسْقَىٰ بِمَاءٍ وَاحِدٍ وَنُفَضِّلُ بَعْضَهَا عَلَىٰ بَعْضٍ فِي الْأُكُلِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ
At sa kalupaan ay may magkakadatig na malawak na landas, at mga halamanan na nagsisigapang, at mga bukiring natatamnan ng mais, at mga palmera, na sumisibol sa dalawa o tatlo mula sa isang punong ugat o isang sibol sa iisang ugat, na dinidiligan ng magkatulad (o parehong) tubig, magkagayunman, ang iba sa kanila ay ginawa Naming higit na mainam na kainin kaysa iba. Katotohanan, sa ganitong mga bagay ay may Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) sa mga tao na nakakaunawa

Choose other languages: