Surah An-Nur Ayahs #64 Translated in Filipino
لَيْسَ عَلَى الْأَعْمَىٰ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْأَعْرَجِ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْمَرِيضِ حَرَجٌ وَلَا عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ أَنْ تَأْكُلُوا مِنْ بُيُوتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ آبَائِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أُمَّهَاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ إِخْوَانِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَخَوَاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَعْمَامِكُمْ أَوْ بُيُوتِ عَمَّاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَخْوَالِكُمْ أَوْ بُيُوتِ خَالَاتِكُمْ أَوْ مَا مَلَكْتُمْ مَفَاتِحَهُ أَوْ صَدِيقِكُمْ ۚ لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَنْ تَأْكُلُوا جَمِيعًا أَوْ أَشْتَاتًا ۚ فَإِذَا دَخَلْتُمْ بُيُوتًا فَسَلِّمُوا عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ تَحِيَّةً مِنْ عِنْدِ اللَّهِ مُبَارَكَةً طَيِّبَةً ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ
walang ibinabawal sa bulag, at wala ring ibinabawal sa pilay, at wala ring ibinabawal sa may karamdaman, gayundin sa inyong sarili, kung kayo ay kumakain sa inyong tahanan, o sa tahanan ng inyong ama, o sa tahanan ng inyong ina, o sa tahanan ng inyong kapatid na lalaki, o sa tahanan ng inyong kapatid na babae, o sa tahanan ng kapatid na lalaki ng inyong ama, o sa tahanan ng kapatid na babae ng inyong ama, o sa tahanan ng kapatid na lalaki ng inyong ina, o sa tahanan ng kapatid na babae ng inyong ina, o kung saan (mang bahay) na kayo ay nagtatangan ng susi, o sa tahanan ng isang kaibigan. Hindi isang kasalanan sa inyo kung kayo ay kumain nang salu-salo o magkabukod. Datapuwa’t kung kayo ay magsipasok sa mga tahanan, magbatian kayo sa isa’t isa ng isang pagbati na mula kay Allah (alalaong baga, magsabi ng Assalamu Alaikum [Sumaiyo ang kapayapaan]) na pinagpala at mabuti. Kaya’t sa ganito ginawa ni Allah na maging malinaw ang Ayat (mga Talata ng Qur’an o mga tanda na pangrelihiyon, atbp.) upang kayo ay makaunawa
إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ الَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَإِذَا كَانُوا مَعَهُ عَلَىٰ أَمْرٍ جَامِعٍ لَمْ يَذْهَبُوا حَتَّىٰ يَسْتَأْذِنُوهُ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَسْتَأْذِنُونَكَ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ ۚ فَإِذَا اسْتَأْذَنُوكَ لِبَعْضِ شَأْنِهِمْ فَأْذَنْ لِمَنْ شِئْتَ مِنْهُمْ وَاسْتَغْفِرْ لَهُمُ اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Ang tunay na sumasampalataya ay sila lamang na nananalig (sa Kaisahan) ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), at kung sila ay nasa piling niya sa mga pangkaraniwang gawain, sila ay hindi lumilisan hanggang hindi sila humihingi ng pahintulot. Katotohanan! Sila na humihingi ng iyong pahintulot, sila ang tunay na sumasampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita. Kaya’t kung sila ay humingi ng iyong pahintulot dahilan sa kanilang pangsariling pamumuhay, iyong gawaran sila ng pahintulot sa sinumang iyong maibigan sa kanila, at humingi ka kay Allah tungo sa kanilang kapatawaran. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
لَا تَجْعَلُوا دُعَاءَ الرَّسُولِ بَيْنَكُمْ كَدُعَاءِ بَعْضِكُمْ بَعْضًا ۚ قَدْ يَعْلَمُ اللَّهُ الَّذِينَ يَتَسَلَّلُونَ مِنْكُمْ لِوَاذًا ۚ فَلْيَحْذَرِ الَّذِينَ يُخَالِفُونَ عَنْ أَمْرِهِ أَنْ تُصِيبَهُمْ فِتْنَةٌ أَوْ يُصِيبَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
HuwagninyonggawinnaangpagtawagsaTagapagbalita (Muhammad) ay maging katulad din ng inyong tawagan sa isa’t isa. Nababatid ni Allah sa lipon ninyo kung sino sa inyo ang tumatalilis nang patago (sa pamamagitan ng pagdadahilan, na hindi humihingi ng pahintulot mula sa Tagapagbalita). At hayaan ang sumasalungat sa pag-uutos ng Tagapagbalita (alalaong baga, kay Muhammad, sa kanyang Sunna, sa mga legal na pamamaraan, mga gawa ng pagsamba, mga pahayag, atbp.), ay magsipag-ingat, marahil, ang ilang Fitnah (kawalan ng pananalig, pagsubok, kasakitan, lindol, pagpatay, atbp.) ay mangyari sa kanila, o ang isang kasakit-sakit na kaparusahan ay ipadama sa kanila
أَلَا إِنَّ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ قَدْ يَعْلَمُ مَا أَنْتُمْ عَلَيْهِ وَيَوْمَ يُرْجَعُونَ إِلَيْهِ فَيُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا ۗ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
Katotohanan, kay Allah ang pag-aangkin ng lahat ng mga nasa kalangitan at kalupaan. Katiyakang batid Niya ang inyong kalalagayan at (talastas Niya) ang Araw na sila ay muling ibabalik sa Kanya, at matapos ito, ay Kanyang ipapaalam sa kanila kung ano ang kanilang ginawa. At si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng bagay
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
