Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #27 Translated in Filipino

حُرِّمَتْ عَلَيْكُمْ أُمَّهَاتُكُمْ وَبَنَاتُكُمْ وَأَخَوَاتُكُمْ وَعَمَّاتُكُمْ وَخَالَاتُكُمْ وَبَنَاتُ الْأَخِ وَبَنَاتُ الْأُخْتِ وَأُمَّهَاتُكُمُ اللَّاتِي أَرْضَعْنَكُمْ وَأَخَوَاتُكُمْ مِنَ الرَّضَاعَةِ وَأُمَّهَاتُ نِسَائِكُمْ وَرَبَائِبُكُمُ اللَّاتِي فِي حُجُورِكُمْ مِنْ نِسَائِكُمُ اللَّاتِي دَخَلْتُمْ بِهِنَّ فَإِنْ لَمْ تَكُونُوا دَخَلْتُمْ بِهِنَّ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ وَحَلَائِلُ أَبْنَائِكُمُ الَّذِينَ مِنْ أَصْلَابِكُمْ وَأَنْ تَجْمَعُوا بَيْنَ الْأُخْتَيْنِ إِلَّا مَا قَدْ سَلَفَ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ غَفُورًا رَحِيمًا
Ipinagbabawalsainyo(okalalakihan, namapangasawa) ang (mga sumusunod): ang inyong ina, anak na babae, kapatid na babae, kapatid na babae ng inyong ama, kapatid na babae ng inyong ina, anak na babae ng inyong kapatid na lalaki, anak na babae ng inyong kapatid na babae, ang babae na umampon sa inyo na nagpasuso sa inyo, ang inyong kinakapatid na babae (kapatid sa ina), ang ina ng inyong kabiyak, ang inyong anak-anakang babae na nasa ilalim ng inyong pangangalaga, na naging anak (sa una o ibang asawa) ng inyong kabiyak na inyong sinipingan, - datapuwa’t ito ay hindi kasalanan sa inyo kung kayo ay hindi sumiping sa kanya (sa inyong kabiyak na siyang ina ng inyong anak- anakang babae), ang naging asawa ng inyong anak na lalaki na nanggaling sa himaymay ng inyong laman, at dalawang magkapatid na babae na inyong pinangasawa nang sabay, maliban na lamang sa nangyari noong una; sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَالْمُحْصَنَاتُ مِنَ النِّسَاءِ إِلَّا مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ ۖ كِتَابَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ ۚ وَأُحِلَّ لَكُمْ مَا وَرَاءَ ذَٰلِكُمْ أَنْ تَبْتَغُوا بِأَمْوَالِكُمْ مُحْصِنِينَ غَيْرَ مُسَافِحِينَ ۚ فَمَا اسْتَمْتَعْتُمْ بِهِ مِنْهُنَّ فَآتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ فَرِيضَةً ۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ فِيمَا تَرَاضَيْتُمْ بِهِ مِنْ بَعْدِ الْفَرِيضَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمًا
Gayundin (ay ipinagbabawal) ang mga babaeng may asawa na, maliban sa angkin ng inyong kanang kamay (bilang bihag). Sa ganito ipinag-utos ni Allah (ang bawal) sa inyo. Ang lahat ng iba pa ay pinapayagan sa inyo, ngunit marapat na hinanap ninyo (bilang asawa na pakakasalan) na may kaloob na Mahr (dote o handog na ibinibigay ng lalaki sa kanyang mapapangasawa sa panahon ng kasal) mula sa inyong ari-arian, na naghahangad ng kalinisan at hindi kahalayan (bawal na pakikipagtalik). Kaya’t sila na inyong nakapiling sa pagtatamasa ng kaligayahan sa pakikipagtalik, sila ay inyong gawaran ng takdang Mahr (dote o handog), datapuwa’t kung ang Mahr (dote o handog) ay naitalaga na at inyong napagkasunduan (na magbigay pa ng higit), ito ay hindi kasalanan sa inyo. Katotohanang si Allah ay Lalagi nang Ganap na Nakakaalam, ang Tigib ng Karunungan
وَمَنْ لَمْ يَسْتَطِعْ مِنْكُمْ طَوْلًا أَنْ يَنْكِحَ الْمُحْصَنَاتِ الْمُؤْمِنَاتِ فَمِنْ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ مِنْ فَتَيَاتِكُمُ الْمُؤْمِنَاتِ ۚ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِإِيمَانِكُمْ ۚ بَعْضُكُمْ مِنْ بَعْضٍ ۚ فَانْكِحُوهُنَّ بِإِذْنِ أَهْلِهِنَّ وَآتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ بِالْمَعْرُوفِ مُحْصَنَاتٍ غَيْرَ مُسَافِحَاتٍ وَلَا مُتَّخِذَاتِ أَخْدَانٍ ۚ فَإِذَا أُحْصِنَّ فَإِنْ أَتَيْنَ بِفَاحِشَةٍ فَعَلَيْهِنَّ نِصْفُ مَا عَلَى الْمُحْصَنَاتِ مِنَ الْعَذَابِ ۚ ذَٰلِكَ لِمَنْ خَشِيَ الْعَنَتَ مِنْكُمْ ۚ وَأَنْ تَصْبِرُوا خَيْرٌ لَكُمْ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
At kung sinuman sa inyo ang walang kakayahan upang magpakasal sa isang malaya at sumasampalatayang babae, maaari silang magpakasal sa mga babae na angkin ng kanilang kanang kamay (bilang bihag mula sa Jihad [maka-Diyos na pakikidigma]); at si Allah ay may ganap na kaalaman tungkol sa inyong pananampalataya. Kayo ay isa mula sa iba; pakasalan sila sa pahintulot ng nangangalaga sa kanila at ibigay sa kanila ang kanilang Mahr (dote o handog) ng ayon sa kung ano ang katampatan; sila ay marapat na malinis at hindi mahalay (at hindi gumagawa ng bawal na pakikipagtalik) kung sila ay pinakasalan na. Kung sila ay magkasala ng kahalayan (bawal na pakikipagtalik), ang kanilang kaparusahan ay kalahati ng (kaparusahan) ng isang malayang babae (hindi alipin). Ito ay para sa kanya mula sa lipon ninyo na nangangamba sa kasalanan; datapuwa’t ito ay higit na mainam sa inyo kung kayo ay magtimpi, sapagkat si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
يُرِيدُ اللَّهُ لِيُبَيِّنَ لَكُمْ وَيَهْدِيَكُمْ سُنَنَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ وَيَتُوبَ عَلَيْكُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
Ninanais lamang ni Allah na maging maliwanag sa inyo (kung ano ang pinahihintulutan at kung ano ang hindi pinahihintulutan) at upang maipakita sa inyo ang mga paraan ng mga nangauna sa inyo at tanggapin ang inyong pagsisisi, at si Allah ang Ganap na Nakakaalam, ang Puspos ng Kaalaman
وَاللَّهُ يُرِيدُ أَنْ يَتُوبَ عَلَيْكُمْ وَيُرِيدُ الَّذِينَ يَتَّبِعُونَ الشَّهَوَاتِ أَنْ تَمِيلُوا مَيْلًا عَظِيمًا
Ninanais ni Allah na tanggapin ang inyong pagsisisi, datapuwa’t ang mga sumusunod sa kanilang mga pagnanasa ay naghahangad sa inyo (na mga sumasampalataya) na kayo ay lubhang malihis nang malayo sa tamang landas

Choose other languages: