Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #151 Translated in Filipino

مَا يَفْعَلُ اللَّهُ بِعَذَابِكُمْ إِنْ شَكَرْتُمْ وَآمَنْتُمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ شَاكِرًا عَلِيمًا
Ano ang mapapakinabang ni Allah sa inyong kaparusahan, kung kayo ay may pasasalamat at nananampalataya sa Kanya? At si Allah ay Lalagi nang Ganap na Nagpapahalaga (sa mabuti), ang Ganap na Nakakaalam
لَا يُحِبُّ اللَّهُ الْجَهْرَ بِالسُّوءِ مِنَ الْقَوْلِ إِلَّا مَنْ ظُلِمَ ۚ وَكَانَ اللَّهُ سَمِيعًا عَلِيمًا
Hindi nagugustuhan ni Allah ang pagsigaw ng mga masasamang salita sa harap ng mga tao maliban sa kanya na ginawaran ng kawalang katarungan. At si Allah ay Lalagi nang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakaalam
إِنْ تُبْدُوا خَيْرًا أَوْ تُخْفُوهُ أَوْ تَعْفُوا عَنْ سُوءٍ فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ عَفُوًّا قَدِيرًا
Kahima’t kayo (O sangkatauhan) ay maglantad (sa pamamagitan ng mabuting salita at pasasalamat) ng isang mabuting gawa (na ginawa sa inyo sa anyo ng kagandahang loob ng iba), o ikubli ito, o magpatawad ng isang kasamaan, katotohanang si Allah ay Lalagi nang Nagpapatawad nang Paulit-ulit, ang Ganap na Makapangyarihan
إِنَّ الَّذِينَ يَكْفُرُونَ بِاللَّهِ وَرُسُلِهِ وَيُرِيدُونَ أَنْ يُفَرِّقُوا بَيْنَ اللَّهِ وَرُسُلِهِ وَيَقُولُونَ نُؤْمِنُ بِبَعْضٍ وَنَكْفُرُ بِبَعْضٍ وَيُرِيدُونَ أَنْ يَتَّخِذُوا بَيْنَ ذَٰلِكَ سَبِيلًا
Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya kay Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita at nagnanais na gumawa ng pagtatangi-tangi sa pagitan ni Allah at ng Kanyang mga Tagapagbalita (sa pamamagitan ng pananalig kay Allah at hindi paniniwala sa Kanyang mga Tagapagbalita) na nagsasabi, “Kami ay nananampalataya sa iba subalit (kami rin) ay nagtatakwil sa iba,” at nagnanais na tumahak sa gitnang daan
أُولَٰئِكَ هُمُ الْكَافِرُونَ حَقًّا ۚ وَأَعْتَدْنَا لِلْكَافِرِينَ عَذَابًا مُهِينًا
Sa katotohanan, sila ay mga hindi nananampalataya; at Aming inihanda sa mga hindi sumasampalataya ang kaaba-abang kaparusahan

Choose other languages: