Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #110 Translated in Filipino

وَاسْتَغْفِرِ اللَّهَ ۖ إِنَّ اللَّهَ كَانَ غَفُورًا رَحِيمًا
At iyong paghanapin ang kapatawaran ni Allah, katiyakang si Allah ay Lagi at Paulit- ulit na Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَلَا تُجَادِلْ عَنِ الَّذِينَ يَخْتَانُونَ أَنْفُسَهُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ مَنْ كَانَ خَوَّانًا أَثِيمًا
At huwag kayong makipagtalo sa kapakanan ng mga luminlang sa kanilang sarili. Katotohanang si Allah ay hindi nalulugod sa sinuman na nagkakaluno sa kanyang pagtitiwala at nalululong sa krimen
يَسْتَخْفُونَ مِنَ النَّاسِ وَلَا يَسْتَخْفُونَ مِنَ اللَّهِ وَهُوَ مَعَهُمْ إِذْ يُبَيِّتُونَ مَا لَا يَرْضَىٰ مِنَ الْقَوْلِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِمَا يَعْمَلُونَ مُحِيطًا
Maikukubli nila (ang kanilang krimen) sa mga tao, datapuwa’t hindi nila (ito) maitatago kay Allah, sapagkat Siya ay nasa piling nila (sa Kanyang karunungan) kung sila ay magbalak sa kinagabihan, na hindi Niya mapapahintulutan. At si Allah ay laging nakakasakop sa anumang kanilang ginagawa
هَا أَنْتُمْ هَٰؤُلَاءِ جَادَلْتُمْ عَنْهُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا فَمَنْ يُجَادِلُ اللَّهَ عَنْهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ أَمْ مَنْ يَكُونُ عَلَيْهِمْ وَكِيلًا
Ah! Kayo ang nakipagtalo sa kanila sa buhay sa mundong ito, datapuwa’t sino ang makikipagtalo (makakapamagitan) sa kanila sa Araw ng Muling Pagkabuhay laban kay Allah, o sino kaya ang kanilang magiging tagapagtanggol
وَمَنْ يَعْمَلْ سُوءًا أَوْ يَظْلِمْ نَفْسَهُ ثُمَّ يَسْتَغْفِرِ اللَّهَ يَجِدِ اللَّهَ غَفُورًا رَحِيمًا
At sinuman ang gumawa ng masama o nagbigay kamalian sa kanyang sarili, datapuwa’t matapos ito, ay humanap ng kapatawaran ni Allah; kanyang matatagpuan na si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

Choose other languages: