Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naml Ayahs #88 Translated in Filipino

حَتَّىٰ إِذَا جَاءُوا قَالَ أَكَذَّبْتُمْ بِآيَاتِي وَلَمْ تُحِيطُوا بِهَا عِلْمًا أَمَّاذَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
Hanggang nang sila ay sumapit (sa harapan ng Panginoon sa lugar ng pagsusulit), Siya ay magpapahayag: “Inyo bagang itinatwa ang Aking Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), nang ito ay hindi ninyo nauunawaan (sa punto) ng Karunungan, o ano ba (yaon) na lagi nang inyong ginagawa?”
وَوَقَعَ الْقَوْلُ عَلَيْهِمْ بِمَا ظَلَمُوا فَهُمْ لَا يَنْطِقُونَ
At ang salita (ng kaparusahan) ay matutupad laban sa kanila sapagkat sila ay nagsigawa ng kamalian at sila ay hindi makakapangusap (upang ipagtanggol ang kanilang sarili)
أَلَمْ يَرَوْا أَنَّا جَعَلْنَا اللَّيْلَ لِيَسْكُنُوا فِيهِ وَالنَّهَارَ مُبْصِرًا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ
Hindi baga nila namamalas na Aming ginawa ang gabi para sa kanila upang magpahinga, at ng araw upang bigyan sila ng liwanag (at paningin)? Katotohanang naririto ang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) sa mga tao na sumasampalataya
وَيَوْمَ يُنْفَخُ فِي الصُّورِ فَفَزِعَ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ إِلَّا مَنْ شَاءَ اللَّهُ ۚ وَكُلٌّ أَتَوْهُ دَاخِرِينَ
At (alalahanin) ang Araw na ang tambuli ay hihipan, at ang lahat ng mga nasa kalangitan at lahat ng mga nasa kalupaan ay magigimbal, maliban sa kanya na maibigan ni Allah (na huwag mapabilang). At ang lahat ay paparoon sa Kanya na nangangayupapa
وَتَرَى الْجِبَالَ تَحْسَبُهَا جَامِدَةً وَهِيَ تَمُرُّ مَرَّ السَّحَابِ ۚ صُنْعَ اللَّهِ الَّذِي أَتْقَنَ كُلَّ شَيْءٍ ۚ إِنَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَفْعَلُونَ
At inyong mapagmamalas ang mga kabundukan na inyong inaakala na siksik, datapuwa’t sila ay maglalaho na katulad ng paglalaho ng mga ulap. (Ito) ang Gawa ni Allah, na Siyang nagpapapangyari ng lahat ng bagay sa ganap na ayos sapagkat katotohanang Siya ang Ganap na Nakakaalam kung ano ang inyong ginagawa

Choose other languages: