Surah An-Naml Ayahs #87 Translated in Filipino
وَيَوْمَ نَحْشُرُ مِنْ كُلِّ أُمَّةٍ فَوْجًا مِمَّنْ يُكَذِّبُ بِآيَاتِنَا فَهُمْ يُوزَعُونَ
(At alalahanin) ang Araw na Aming titipunin sa bawat bansa ang isang pulutong ng mga nagtatwa ng Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), at (matapos ito), silang (lahat) ay titipunin (at itataboy sa lugar ng pagsusulit)
حَتَّىٰ إِذَا جَاءُوا قَالَ أَكَذَّبْتُمْ بِآيَاتِي وَلَمْ تُحِيطُوا بِهَا عِلْمًا أَمَّاذَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
Hanggang nang sila ay sumapit (sa harapan ng Panginoon sa lugar ng pagsusulit), Siya ay magpapahayag: “Inyo bagang itinatwa ang Aking Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), nang ito ay hindi ninyo nauunawaan (sa punto) ng Karunungan, o ano ba (yaon) na lagi nang inyong ginagawa?”
وَوَقَعَ الْقَوْلُ عَلَيْهِمْ بِمَا ظَلَمُوا فَهُمْ لَا يَنْطِقُونَ
At ang salita (ng kaparusahan) ay matutupad laban sa kanila sapagkat sila ay nagsigawa ng kamalian at sila ay hindi makakapangusap (upang ipagtanggol ang kanilang sarili)
أَلَمْ يَرَوْا أَنَّا جَعَلْنَا اللَّيْلَ لِيَسْكُنُوا فِيهِ وَالنَّهَارَ مُبْصِرًا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ
Hindi baga nila namamalas na Aming ginawa ang gabi para sa kanila upang magpahinga, at ng araw upang bigyan sila ng liwanag (at paningin)? Katotohanang naririto ang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) sa mga tao na sumasampalataya
وَيَوْمَ يُنْفَخُ فِي الصُّورِ فَفَزِعَ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ إِلَّا مَنْ شَاءَ اللَّهُ ۚ وَكُلٌّ أَتَوْهُ دَاخِرِينَ
At (alalahanin) ang Araw na ang tambuli ay hihipan, at ang lahat ng mga nasa kalangitan at lahat ng mga nasa kalupaan ay magigimbal, maliban sa kanya na maibigan ni Allah (na huwag mapabilang). At ang lahat ay paparoon sa Kanya na nangangayupapa
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
