Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naml Ayahs #77 Translated in Filipino

وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَشْكُرُونَ
Katotohanan, ang iyong Panginoon ay tigib ng biyaya sa sangkatauhan, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nagbibigay ng pasasalamat.”
وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَعْلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمْ وَمَا يُعْلِنُونَ
At katotohanan, ang iyong Panginoon ay nakakabatid kung ano ang ikinukubli ng kanilang dibdib at kung ano ang kanilang inilalantad
وَمَا مِنْ غَائِبَةٍ فِي السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُبِينٍ
At walang anumang nalilingid sa kalangitan at kalupaan na hindi (nakatala) sa isang maliwanag na Aklat (Al-Lauh Al-Mahfuz)
إِنَّ هَٰذَا الْقُرْآنَ يَقُصُّ عَلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ أَكْثَرَ الَّذِي هُمْ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ
Katotohanan, ang Qur’an na ito ay nagpapahayag sa Angkan ng Israel ng tungkol sa karamihan ng kanilang pinagkakahidwaan
وَإِنَّهُ لَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِلْمُؤْمِنِينَ
At katotohanang ito (ang Qur’an) ay isang Patnubay at isang Habag sa mga sumasampalataya

Choose other languages: