Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naml Ayahs #72 Translated in Filipino

لَقَدْ وُعِدْنَا هَٰذَا نَحْنُ وَآبَاؤُنَا مِنْ قَبْلُ إِنْ هَٰذَا إِلَّا أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ
Tunay ngang kami ay pinangakuan nito, kami at ang aming mga ninuno noon pa, katotohanang ang mga ito ay wala ng iba maliban sa mga kuwento ng panahong sinauna.”
قُلْ سِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُجْرِمِينَ
Ipagbadya mo sa kanila (o Muhammad): “Magsipaglakbay kayo sa kalupaan at pagmalasin kung ano ang kinahantungan ng mga kriminal (sila na nagtakwil sa mga Tagapagbalita ni Allah at sumuway kay Allah).”
وَلَا تَحْزَنْ عَلَيْهِمْ وَلَا تَكُنْ فِي ضَيْقٍ مِمَّا يَمْكُرُونَ
At huwag kang magdalamhati sa kanila, gayundin ay huwag kang manliit (sa hapis) dahilan sa kanilang binabalak
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا الْوَعْدُ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
At sila (na mga hindi sumasampalataya sa Kaisahan ni Allah) ay nagsasabi: “Kailan baga kaya ang pangakong ito (ay matutupad) kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan?”
قُلْ عَسَىٰ أَنْ يَكُونَ رَدِفَ لَكُمْ بَعْضُ الَّذِي تَسْتَعْجِلُونَ
Ipagbadya: “Marahil ang inyong hiling na inyong minamadali ay maaaring malapit na sa likuran ninyo

Choose other languages: