Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naml Ayahs #60 Translated in Filipino

فَمَا كَانَ جَوَابَ قَوْمِهِ إِلَّا أَنْ قَالُوا أَخْرِجُوا آلَ لُوطٍ مِنْ قَرْيَتِكُمْ ۖ إِنَّهُمْ أُنَاسٌ يَتَطَهَّرُونَ
wala ng ibang kasagutan ang ibinigay ng kanyang pamayanan maliban na sila ay nagsabi: “Inyong itaboy ang pamilya ni Lut mula sa ating lungsod. Katotohanang sila ay mga tao na nagnanais na maging malinis at dalisay!”
فَأَنْجَيْنَاهُ وَأَهْلَهُ إِلَّا امْرَأَتَهُ قَدَّرْنَاهَا مِنَ الْغَابِرِينَ
Kaya’t Aming iniligtas siya at ang kanyang pamilya maliban sa kanyang asawa. Aming itinalagasiyanamapasamasamganagpaiwan
وَأَمْطَرْنَا عَلَيْهِمْ مَطَرًا ۖ فَسَاءَ مَطَرُ الْمُنْذَرِينَ
Atpinaulan Namin sa kanila ang ulan (ng mga bato). Pagkasama-sama ng gayong ulan sa mga pinagbalaan
قُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ وَسَلَامٌ عَلَىٰ عِبَادِهِ الَّذِينَ اصْطَفَىٰ ۗ آللَّهُ خَيْرٌ أَمَّا يُشْرِكُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ang pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah, at kapayapaan sa Kanyang mga alipin na Kanyang hinirang (para sa Kanyang Mensahe)! Higit bagang mainam si Allah, o (ang lahat) ng inyong iniaakibat na mga katambal (sa Kanya)?” [Di nga kasi, walang alinlangan, si Allah ang higit na mainam]
أَمَّنْ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَأَنْزَلَ لَكُمْ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَنْبَتْنَا بِهِ حَدَائِقَ ذَاتَ بَهْجَةٍ مَا كَانَ لَكُمْ أَنْ تُنْبِتُوا شَجَرَهَا ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ يَعْدِلُونَ
Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong mga diyos), [Siya] na lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at nagpapanaog sa inyo ng tubig (ulan) mula sa alapaap, na rito (sa lupa) ay Aming pinapangyari na tumubo ang kamangha- manghang halamanan na puspos ng kagandahan at kasiyahan? wala sa inyo ang kakayahan na magpapangyari nang paglaki ng kanyang mga puno. (Mayroon pa bang) ibang diyos maliban kay Allah? Hindi, sila ay mga tao na nag-aakibat ng mga kapantay (sa Kanya)!”

Choose other languages: