Surah An-Naml Ayahs #46 Translated in Filipino
فَلَمَّا جَاءَتْ قِيلَ أَهَٰكَذَا عَرْشُكِ ۖ قَالَتْ كَأَنَّهُ هُوَ ۚ وَأُوتِينَا الْعِلْمَ مِنْ قَبْلِهَا وَكُنَّا مُسْلِمِينَ
Kaya’t nang siya (Saba o Sheba) ay dumating, ito ang sinabi sa kanya: “Ang iyo bagang luklukan ay katulad nito?” Siya ay nagsabi: “(Ito ay) tila katulad nga (ng aking luklukan).” At (si Solomon ay nagsabi): “Ang karunungan ay ipinagkaloob sa atin bago pa sa kanya, at kami ay tumalima kay Allah (sa Islam bilang mga Muslim nang una pa sa kanya).”
وَصَدَّهَا مَا كَانَتْ تَعْبُدُ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۖ إِنَّهَا كَانَتْ مِنْ قَوْمٍ كَافِرِينَ
At ang kanyang sinasamba maliban pa kay Allah ay humadlang sa kanya (sa Islam), sapagkat siya ay isa sa mga tao na hindi sumasampalataya
قِيلَ لَهَا ادْخُلِي الصَّرْحَ ۖ فَلَمَّا رَأَتْهُ حَسِبَتْهُ لُجَّةً وَكَشَفَتْ عَنْ سَاقَيْهَا ۚ قَالَ إِنَّهُ صَرْحٌ مُمَرَّدٌ مِنْ قَوَارِيرَ ۗ قَالَتْ رَبِّ إِنِّي ظَلَمْتُ نَفْسِي وَأَسْلَمْتُ مَعَ سُلَيْمَانَ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ
At ipinagbadya sa kanya (Saba o Sheba): “Pumasok ka sa Al-Sarh (isang ibabaw ng salamin na sa ilalim nito ay may tubig o isang Palasyo), datapuwa’t nang kanyang mamalas ito, kanyang napag-akala na ito ay lawa ng tubig at kanyang (inililis ang kanyang damit) at nahantad ang kanyang mga binti. At si Solomon ay nangusap: “Katotohanang ito ay Sarh (Palasyo) na pinakinis sa piraso (tipak) ng salamin.” Siya ay nagsabi: “O aking Panginoon! Katotohanang nasuong ang aking sarili sa kamalian, at ako ay sumusuko (sa Islam na kasama si Solomon, kay Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang).”
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا إِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمْ صَالِحًا أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ فَإِذَا هُمْ فَرِيقَانِ يَخْتَصِمُونَ
At katotohanang isinugo Namin kay Thamud ang kanyang kapatid na si Salih na nagsasabi: “Tanging sambahin lamang si Allah (at wala ng iba). At pagmalasin! Sila ay naging dalawang pangkat (mga sumasampalataya at mga hindi sumasampalataya) na nagkakagalit sa isa’t isa.”
قَالَ يَا قَوْمِ لِمَ تَسْتَعْجِلُونَ بِالسَّيِّئَةِ قَبْلَ الْحَسَنَةِ ۖ لَوْلَا تَسْتَغْفِرُونَ اللَّهَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ
Siya (Salih) ay nagsabi: “o aking pamayanan! Bakit ninyo hinahanap na madaliin ang kasamaan (kaparusahan) nang una sa kabutihan (Habag ni Allah)? Bakit hindi ninyo paghanapin ang Pagpapatawad ni Allah upang kayo ay makatanggap ng habag?”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
