Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naml Ayahs #21 Translated in Filipino

وَحُشِرَ لِسُلَيْمَانَ جُنُودُهُ مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ وَالطَّيْرِ فَهُمْ يُوزَعُونَ
At nagsipagtipon sa harapan ni Solomon ang mga lipon ng mga Jinn at tao, at mga ibon, at silang lahat ay itinalaga sa pag-uutos sa labanan (na nagmamartsa nang pasulong)
حَتَّىٰ إِذَا أَتَوْا عَلَىٰ وَادِ النَّمْلِ قَالَتْ نَمْلَةٌ يَا أَيُّهَا النَّمْلُ ادْخُلُوا مَسَاكِنَكُمْ لَا يَحْطِمَنَّكُمْ سُلَيْمَانُ وَجُنُودُهُ وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ
Hanggang nang sila ay sumapit sa lambak ng mga langgam, ang isa sa mga langgam ay nagsabi: “o mga langgam! Magsipasok kayo sa inyong tirahan, kung hindi, baka si Solomon at ang kanyang mga lipon ay gumasak sa inyo, samantalang ito ay hindi nila napag-aakala.”
فَتَبَسَّمَ ضَاحِكًا مِنْ قَوْلِهَا وَقَالَ رَبِّ أَوْزِعْنِي أَنْ أَشْكُرَ نِعْمَتَكَ الَّتِي أَنْعَمْتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَالِدَيَّ وَأَنْ أَعْمَلَ صَالِحًا تَرْضَاهُ وَأَدْخِلْنِي بِرَحْمَتِكَ فِي عِبَادِكَ الصَّالِحِينَ
Kaya’t siya (Solomon) ay ngumiti, na namangha sa kanyang (langgam) pahayag at nagsabi: “Aking Panginoon! Bigyan (Ninyo) ako ng inspirasyon at ipagkaloob Ninyo sa akin ang kapangyarihan at kakayahan upang ako ay tumanaw ng utang na loob ng pasasalamat sa Inyong mga kaloob, na inyong iginawad sa akin at sa aking mga magulang, at upang ako ay makagawa ng mabubuting gawa na makakalugod sa Inyo, at ako ay tanggapin Ninyo sa Inyong Habag na kasama ng Inyong matutuwid na mga alipin.”
وَتَفَقَّدَ الطَّيْرَ فَقَالَ مَا لِيَ لَا أَرَى الْهُدْهُدَ أَمْ كَانَ مِنَ الْغَائِبِينَ
Kanyang sinuri ang mga ibon at nagsabi: “Ano ang nangyayari sa inyo at hindi ko nakita ang Hoopoe? O siya ba ay isa mga lumiban? (Ang Hoopoe ay isa sa mga ibon na magaan at mabanayad na may lantad na iba’t ibang kulay ng pakpak [balahibo], at may dilaw na hibla sa kanyang ulo, isang dahilan upang siya ay tawaging ibon na may dugong bughaw
لَأُعَذِّبَنَّهُ عَذَابًا شَدِيدًا أَوْ لَأَذْبَحَنَّهُ أَوْ لَيَأْتِيَنِّي بِسُلْطَانٍ مُبِينٍ
Katotohanang siya ay aking parurusahan ng matinding kaparusahan, o siya ay (aking) kakatayin, malibang siya ay magdala ng maliwanag na dahilan (katwiran).”

Choose other languages: