Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Najm Ayahs #35 Translated in Filipino

وَلِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ لِيَجْزِيَ الَّذِينَ أَسَاءُوا بِمَا عَمِلُوا وَيَجْزِيَ الَّذِينَ أَحْسَنُوا بِالْحُسْنَى
Tunay ngang si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at nasa kalupaan, upang Kanyang mabayaran sila na gumagawa ng kasamaan ng ayon sa kanilang ginawa (alalaong baga, ang parusahan sila sa Impiyerno), at magantimpalaan Niya ang mga gumagawa ng kabutihan sa pinakamainam (alalaong baga, sa Paraiso)
الَّذِينَ يَجْتَنِبُونَ كَبَائِرَ الْإِثْمِ وَالْفَوَاحِشَ إِلَّا اللَّمَمَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ وَاسِعُ الْمَغْفِرَةِ ۚ هُوَ أَعْلَمُ بِكُمْ إِذْ أَنْشَأَكُمْ مِنَ الْأَرْضِ وَإِذْ أَنْتُمْ أَجِنَّةٌ فِي بُطُونِ أُمَّهَاتِكُمْ ۖ فَلَا تُزَكُّوا أَنْفُسَكُمْ ۖ هُوَ أَعْلَمُ بِمَنِ اتَّقَىٰ
Sila na umiiwas sa mabibigat na kasalanan at Al-Fawahish (bawal na pakikipagtalik, gawaing malalaswa, atbp.), maliban sa maliliit na pagkakamali, katotohanang ang inyong Panginoon ay Tigib ng Pagpapatawad. Kayo ay ganap Niyang talastas nang kayo ay Kanyang nilikha sa kalupaan, at nang kayo ay nakatago pa sa sinapupunan ng inyong ina. Kaya’t huwag ninyong pananganan ang inyong sarili na dalisay. Ganap Niyang batid siya na may pangangamba kay Allah at nagpapanatili ng kanyang tungkulin sa Kanya
أَفَرَأَيْتَ الَّذِي تَوَلَّىٰ
Napagmamasdan mo ba (o Muhammad) siya na tumatalikod (sa Islam)
وَأَعْطَىٰ قَلِيلًا وَأَكْدَىٰ
Na nagbibigay ng karampot at nagmamatigas (sa kanyang puso)
أَعِنْدَهُ عِلْمُ الْغَيْبِ فَهُوَ يَرَىٰ
Ano! Mayroon ba siyang kaalaman ng mga nalilingid upang kanyang mamalas

Choose other languages: