Surah An-Nahl Ayahs #12 Translated in Filipino
وَالْخَيْلَ وَالْبِغَالَ وَالْحَمِيرَ لِتَرْكَبُوهَا وَزِينَةً ۚ وَيَخْلُقُ مَا لَا تَعْلَمُونَ
At (Kanyang nilikha) ang mga kabayo, mga mola at asno, upang sila ay inyong masakyan at bilang isang palamuti. At nilikha Niya (ang iba) pang mga bagay na rito ay wala kayong kaalaman
وَعَلَى اللَّهِ قَصْدُ السَّبِيلِ وَمِنْهَا جَائِرٌ ۚ وَلَوْ شَاءَ لَهَدَاكُمْ أَجْمَعِينَ
At isang pananagutan kay Allah na ipaliwanag sa inyo ang Tuwid na Landas (alalaong baga, ang Kaisahan ni Allah at Islam [sa sangkatauhan, upang maipamalas sa kanila ang mga pinahihintulutan at hindi pinahihintulutang bagay, ang masama at mabuti, atbp., kaya’t kung sinuman ang tumanggap sa patnubay, ito ay sa kapakinabangan ng kanyang sarili, at kung sinuman ang tumahak nang paligaw, ito ay tungo sa kanyang pagkapariwara]), datapuwa’t may mga landas na lumiliko (tulad ng paganismo, Hudaismo, Kristiyanismo, atbp.). At kung Kanya lamang ninais, magagawa Niyang mapatnubayan kayong lahat (na sangkatauhan)
هُوَ الَّذِي أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً ۖ لَكُمْ مِنْهُ شَرَابٌ وَمِنْهُ شَجَرٌ فِيهِ تُسِيمُونَ
Siya ang nagpamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap; mula rito kayo ay umiinom at mula rin dito (ay tumutubo) ang mga pananim at dito ay inyong isinusuga ang inyong bakahan (hayupan) upang manginain
يُنْبِتُ لَكُمْ بِهِ الزَّرْعَ وَالزَّيْتُونَ وَالنَّخِيلَ وَالْأَعْنَابَ وَمِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ
Sa pamamagitan nito (tubig) ay pinahihintulutan Niyang tumubo (at lumaki) ang mga pananim, ang oliba, ang palmera, ang ubas, at lahat ng uri ng prutas. Katotohanan! Sa mga ito ay katiyakang maliwanag na Tanda sa mga tao na may pag-iisip
وَسَخَّرَ لَكُمُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ ۖ وَالنُّجُومُ مُسَخَّرَاتٌ بِأَمْرِهِ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ
At ipinaranas Niya sa inyo ang gabi at liwanag (maghapon), ang araw at buwan, at ang mga bituin ay nasa ilalim ng Kanyang Pag-uutos. Katiyakang nasa sa mga ito ang mga katibayan sa mga tao na nakakaunawa
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
