Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #76 Translated in Filipino

وَاللَّهُ جَعَلَ لَكُمْ مِنْ أَنْفُسِكُمْ أَزْوَاجًا وَجَعَلَ لَكُمْ مِنْ أَزْوَاجِكُمْ بَنِينَ وَحَفَدَةً وَرَزَقَكُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ ۚ أَفَبِالْبَاطِلِ يُؤْمِنُونَ وَبِنِعْمَتِ اللَّهِ هُمْ يَكْفُرُونَ
At si Allah ay nagkaloob sa inyo ng mga asawang babae mula sa inyong uri, at (Kanyang) ginawaran kayo mula sa inyong mga asawang babae ng mga anak na lalaki at mga apong lalaki, at nagbigay sa inyo ng mabuting panustos (na ikabubuhay). Silabagaaynananampalatayasamgahuwadna diyus-diyosan at nagtatatwa sa kagandahang loob ni Allah (sa pamamagitan ng hindi pagsamba kay Allah ng walang katambal)
وَيَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَمْلِكُ لَهُمْ رِزْقًا مِنَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ شَيْئًا وَلَا يَسْتَطِيعُونَ
At sila ay sumasamba sa mga iba maliban pa kay Allah, - sa mga katulad nila na hindi makakapagtamo at makakapag-angkin ng anumang panustos na ikabubuhay para sa kanila mula sa mga kalangitan at kalupaan
فَلَا تَضْرِبُوا لِلَّهِ الْأَمْثَالَ ۚ إِنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ وَأَنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ
Kaya’t huwag kayong magtambad ng mga paghahambing kay Allah (sapagkat walang anuman ang katulad Niya, gayundin naman, Siya ay walang nakakahawig). Katiyakan! Si Allah ang nakakabatid, at kayo ay hindi
ضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا عَبْدًا مَمْلُوكًا لَا يَقْدِرُ عَلَىٰ شَيْءٍ وَمَنْ رَزَقْنَاهُ مِنَّا رِزْقًا حَسَنًا فَهُوَ يُنْفِقُ مِنْهُ سِرًّا وَجَهْرًا ۖ هَلْ يَسْتَوُونَ ۚ الْحَمْدُ لِلَّهِ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
Si Allah ay nagtambad sa halimbawa (ng dalawang tao, isang sumasampalataya at isang hindi nananampalataya); ang isang alipin (na walang pananampalataya) na nasa pagmamay-ari ng iba, siya ay walang anumang kapangyarihan, at ang (isa naman), ang tao (na sumasampalataya), na sa kanya ay Aming ipinagkaloob ang isang mabuting panustos na ikabubuhay mula sa Amin, at kanyang ginugugol ito ng lingid at hayagan. Sila ba ay magkapantay? (Sa anumang kaparaanan, ay hindi). Ang lahat ng mga pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah. Hindi! (Datapuwa’t) ang karamihan sa kanila ay hindi nakakaalam
وَضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا رَجُلَيْنِ أَحَدُهُمَا أَبْكَمُ لَا يَقْدِرُ عَلَىٰ شَيْءٍ وَهُوَ كَلٌّ عَلَىٰ مَوْلَاهُ أَيْنَمَا يُوَجِّهْهُ لَا يَأْتِ بِخَيْرٍ ۖ هَلْ يَسْتَوِي هُوَ وَمَنْ يَأْمُرُ بِالْعَدْلِ ۙ وَهُوَ عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
At si Allah ay nagtambad (ng isa pang) halimbawa ng dalawang tao, ang isa (na walang pananampalataya) sa kanila ay pipi, na walang kapangyarihan sa anumang bagay, at siya ay isang pabigat sa kanyang amo, kahit sa anumang paraan na siya ay turuan, siya ay walang nagagawang mabuti. Ang gayon kayang tao ay kapantay niyaong isa (na nananampalataya sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), at nagpapatupad ng katarungan, at siya sa kanyang sarili ay nasa Matuwid na Landas

Choose other languages: