Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #25 Translated in Filipino

أَمْوَاتٌ غَيْرُ أَحْيَاءٍ ۖ وَمَا يَشْعُرُونَ أَيَّانَ يُبْعَثُونَ
(Sila) ay patay, walang buhay, at hindi nila batid kung kailan sila ibabangon
إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۚ فَالَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ قُلُوبُهُمْ مُنْكِرَةٌ وَهُمْ مُسْتَكْبِرُونَ
Ang inyong Ilah (diyos) ay isang Ilah (diyos, si Allah; wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). Datapuwa’t ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay, ang kanilang puso ay nagtatakwil (sa pananalig sa Kaisahan ni Allah), at sila ay mga palalo
لَا جَرَمَ أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُسْتَكْبِرِينَ
Katotohanan, nababatid ni Allah kung ano ang kanilang inililingid at kung ano ang kanilang ipinahahayag. Katotohanang hindi Niya naiibigan ang palalo
وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ مَاذَا أَنْزَلَ رَبُّكُمْ ۙ قَالُوا أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ
At kung ito ay ipinagtuturing sa kanila: “Ano baga yaong ipinarating sa inyo ng inyong Panginoon (kay Muhammad)? Sila ay nagsasabi: “Mga kathang kuwento lamang ng panahong sinauna!”
لِيَحْمِلُوا أَوْزَارَهُمْ كَامِلَةً يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۙ وَمِنْ أَوْزَارِ الَّذِينَ يُضِلُّونَهُمْ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۗ أَلَا سَاءَ مَا يَزِرُونَ
Sila ang magdadala nang ganap sa kanilang mga pasanin (dalahin) sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at gayundin, ng mga pasanin (dalahin) ng mga iba na kanilang iniligaw gayong sila ay salat sa karunungan. Katiyakang kasamaan ang kanilang tatamasahin

Choose other languages: