Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #23 Translated in Filipino

وَاللَّهُ يَعْلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعْلِنُونَ
At si Allah ang nakakatalos ng lahat ng inyong inililingid at kung ano ang inyong inilalantad
وَالَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ لَا يَخْلُقُونَ شَيْئًا وَهُمْ يُخْلَقُونَ
Yaong (mga diyus-diyosan) na kanilang (Mushrikun, mga pagano, mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, mapaggawa ng kamalian, atbp.) pinananalanginan maliban pa kay Allah ay walang nilikha ni anuman, bagkus sila ang mga nilikha
أَمْوَاتٌ غَيْرُ أَحْيَاءٍ ۖ وَمَا يَشْعُرُونَ أَيَّانَ يُبْعَثُونَ
(Sila) ay patay, walang buhay, at hindi nila batid kung kailan sila ibabangon
إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۚ فَالَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ قُلُوبُهُمْ مُنْكِرَةٌ وَهُمْ مُسْتَكْبِرُونَ
Ang inyong Ilah (diyos) ay isang Ilah (diyos, si Allah; wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). Datapuwa’t ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay, ang kanilang puso ay nagtatakwil (sa pananalig sa Kaisahan ni Allah), at sila ay mga palalo
لَا جَرَمَ أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعْلِنُونَ ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُسْتَكْبِرِينَ
Katotohanan, nababatid ni Allah kung ano ang kanilang inililingid at kung ano ang kanilang ipinahahayag. Katotohanang hindi Niya naiibigan ang palalo

Choose other languages: