Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #104 Translated in Filipino

إِنَّمَا سُلْطَانُهُ عَلَى الَّذِينَ يَتَوَلَّوْنَهُ وَالَّذِينَ هُمْ بِهِ مُشْرِكُونَ
Angkanyangkapangyarihan ay para lamang sa mga tumatalima at sumusunod sa kanya, at sa mga nagtataguri ng katambal sa Kanya (Allah)
وَإِذَا بَدَّلْنَا آيَةً مَكَانَ آيَةٍ ۙ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا يُنَزِّلُ قَالُوا إِنَّمَا أَنْتَ مُفْتَرٍ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
At kung Aming palitan ang isang Talata (ng Qur’an, alalaong baga, ang pawalang bisa [baguhin] ang pag-uutos nito), sa halip ng iba, at si Allah ang higit na nakakaalam kung ano ang pinakamainam sa Kanyang ipinapahayag (sa mga antas). Sila (ang mga hindi sumasampalataya) ay nagsasabi: “Ikaw (o Muhammad) ay isa lamang Muftari (mapanghuwad, bulaan, sinungaling)!” Hindi, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang nalalaman
قُلْ نَزَّلَهُ رُوحُ الْقُدُسِ مِنْ رَبِّكَ بِالْحَقِّ لِيُثَبِّتَ الَّذِينَ آمَنُوا وَهُدًى وَبُشْرَىٰ لِلْمُسْلِمِينَ
Ipagbadya (o Muhammad), ang ruh-ul-Qudus (Anghel Gabriel) ang nagdala nito (ang Qur’an) nang pababa mula sa iyong Panginoon ng may katotohanan, upang magawa nito na maging matatag at mapalakas (ang pananalig) ng mga sumasampalataya at isang patnubay at mabuting balita sa mga tumatalima (kay Allah, bilang mga Muslim)
وَلَقَدْ نَعْلَمُ أَنَّهُمْ يَقُولُونَ إِنَّمَا يُعَلِّمُهُ بَشَرٌ ۗ لِسَانُ الَّذِي يُلْحِدُونَ إِلَيْهِ أَعْجَمِيٌّ وَهَٰذَا لِسَانٌ عَرَبِيٌّ مُبِينٌ
At katiyakang Aming nababatid, na sila (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mga pagano) ay nagsasabi: “Isa lamang tao ang nagturo sa kanya (Muhammad).” Ang dila (salita) ng tao na kanilang tinutukoy ay banyaga, samantalang ito (ang Qur’an), ay isang maliwanag na dilang (salitang) Arabik
إِنَّ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِآيَاتِ اللَّهِ لَا يَهْدِيهِمُ اللَّهُ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Katotohanan! Sila na hindi sumasampalataya sa Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) niAllah,- siAllahayhindimamamatnubay sa kanila at sasakanila ang kasakit-sakit na kaparusahan

Choose other languages: