Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qasas Ayahs #48 Translated in Filipino

وَمَا كُنْتَ بِجَانِبِ الْغَرْبِيِّ إِذْ قَضَيْنَا إِلَىٰ مُوسَى الْأَمْرَ وَمَا كُنْتَ مِنَ الشَّاهِدِينَ
At ikaw (o Muhammad) ay wala sa kanlurang bahagi (ng lambak) nang Aming itakda ang paghirang kay Moises at gawing maliwanag sa kanya ang Mga Utos, gayundin naman, ikaw ay hindi naging saksi sa gayong mga pangyayari
وَلَٰكِنَّا أَنْشَأْنَا قُرُونًا فَتَطَاوَلَ عَلَيْهِمُ الْعُمُرُ ۚ وَمَا كُنْتَ ثَاوِيًا فِي أَهْلِ مَدْيَنَ تَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِنَا وَلَٰكِنَّا كُنَّا مُرْسِلِينَ
Nguni’t itinindig Namin ang (mga bagong) henerasyon (matapos ang henerasyon ni Moises), at lubhang marami ng mga taon ang lumipas sa kanila, datapuwa’t ikaw (O Muhammad) ay hindi kabilang sa mga nanirahan sa pamayanan ng Madyan (Midian), na nagpapahayag ng Aming mga Talata sa kanila, datapuwa’t Kami ang namamalaging nagsusugo ng mga Tagapagbalita (na may taglay na inspirasyon)
وَمَا كُنْتَ بِجَانِبِ الطُّورِ إِذْ نَادَيْنَا وَلَٰكِنْ رَحْمَةً مِنْ رَبِّكَ لِتُنْذِرَ قَوْمًا مَا أَتَاهُمْ مِنْ نَذِيرٍ مِنْ قَبْلِكَ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ
Ikaw din (o Muhammad) ay wala sa tabi ng Bundok ng Tur nang Aming tawagin si Moises. Magkagayunman, ikaw ay isinugo bilang isang Habag mula sa iyong Panginoon, upang magbigay babala sa mga tao na wala pang tagapagbabala ang dumatal sa kanila, na nauna pa sa iyo, upang sila ay makatanggap ng paala-ala (o makaala-ala)
وَلَوْلَا أَنْ تُصِيبَهُمْ مُصِيبَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ فَيَقُولُوا رَبَّنَا لَوْلَا أَرْسَلْتَ إِلَيْنَا رَسُولًا فَنَتَّبِعَ آيَاتِكَ وَنَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ
At kung ikaw ay hindi Namin (isinugo sa mga Quraish sa Makkah), at kung mangyaring isang kalamidad ang sumakmal sa kanila dahilan (sa mga gawa) na ginawa ng kanilang mga kamay, maaari nilang sabihin: “O aming Panginoon! Bakit hindi Kayo nagsugo sa amin ng isang Tagapagbalita? Disin sana’y susundin namin ang Inyong Ayat (mga Talata ng Qur’an) at mapapabilang kami sa mga sumasampalataya!”
فَلَمَّا جَاءَهُمُ الْحَقُّ مِنْ عِنْدِنَا قَالُوا لَوْلَا أُوتِيَ مِثْلَ مَا أُوتِيَ مُوسَىٰ ۚ أَوَلَمْ يَكْفُرُوا بِمَا أُوتِيَ مُوسَىٰ مِنْ قَبْلُ ۖ قَالُوا سِحْرَانِ تَظَاهَرَا وَقَالُوا إِنَّا بِكُلٍّ كَافِرُونَ
Datapuwa’t (ngayon), nang ang katotohanan ay dumatal sa kanila (alalaong baga, si Muhammad at ang kanyang Mensahe), mula sa Amin, sila ay nagsasabi: “Bakit ang (mga Tanda) na ipinadala sa kanya (Muhammad), ay hindi kagaya niyaong mga ipinadala kay Moises? Hindi baga nila itinakwil noon (ang mga Tanda) na dati nang ipinadala kay Moises noon pa mang una? Sila ay nagsasabi: “dalawang uri ng panglalansi (o salamangka, ang Torah [mga Batas] at Qur’an), ang bawat isa sa kanila ay nagtutulungan!” At sila ay nagsasabi: “Katotohanan! Kami ay nagtatakwil sa lahat (ng gayong mga bagay)!”

Choose other languages: