Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qamar Ayahs #51 Translated in Filipino

إِنَّ الْمُجْرِمِينَ فِي ضَلَالٍ وَسُعُرٍ
Katotohanan, ang Mujrimun (mga makasalanan, mapagsamba sa diyus- diyosan, walang pananalig, kriminal, atbp.) ay nasa kamalian (sa mundong ito) at masusunog (sa Impiyerno sa Kabilang Buhay)
يَوْمَ يُسْحَبُونَ فِي النَّارِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمْ ذُوقُوا مَسَّ سَقَرَ
Sa Araw na sila ay hihilahin sa Apoy at ang kanilang mukha ay isusugba sa Apoy (at sa kanila ay ipagsusulit:) “Lasapin ninyo at damhin ang Impiyerno!”
إِنَّا كُلَّ شَيْءٍ خَلَقْنَاهُ بِقَدَرٍ
Katotohanang Aming nilikha ang lahat ng bagay sa Qadar (hustong anyo at ganap na sukat, isang maka-diyos na Pagtatakda [pag-uutos] ng lahat ng bagay bago pa ang paglikha sa kanila na katulad nang nakasulat sa Aklat ng mga Pag-uutos – Al Lauh Al Mahfuz
وَمَا أَمْرُنَا إِلَّا وَاحِدَةٌ كَلَمْحٍ بِالْبَصَرِ
At ang Aming Pag- uutos ay isa lamang, na katulad ng (isang) kurap ng mata
وَلَقَدْ أَهْلَكْنَا أَشْيَاعَكُمْ فَهَلْ مِنْ مُدَّكِرٍ
At katotohanang (sa panahong sinauna) ayAming winasak ang mga pangkat na katulad nila, kaya’t mayroon bang sinuman ang makakaala-ala (at tatanggap ng tagubilin)

Choose other languages: