Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qamar Ayahs #49 Translated in Filipino

سَيُهْزَمُ الْجَمْعُ وَيُوَلُّونَ الدُّبُرَ
Hindi magtatagal, ang karamihan sa kanila ay malalagay sa pagtakas, at sila ay tatalilis
بَلِ السَّاعَةُ مَوْعِدُهُمْ وَالسَّاعَةُ أَدْهَىٰ وَأَمَرُّ
Tunay nga! Ang oras (ng Paghuhukom) ay ang Sandali na ipinangako sa kanila (para sa kanilang lubos na kabayaran), at ang oras na yaon ang Pinakamasakit at Pinakamasaklap
إِنَّ الْمُجْرِمِينَ فِي ضَلَالٍ وَسُعُرٍ
Katotohanan, ang Mujrimun (mga makasalanan, mapagsamba sa diyus- diyosan, walang pananalig, kriminal, atbp.) ay nasa kamalian (sa mundong ito) at masusunog (sa Impiyerno sa Kabilang Buhay)
يَوْمَ يُسْحَبُونَ فِي النَّارِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمْ ذُوقُوا مَسَّ سَقَرَ
Sa Araw na sila ay hihilahin sa Apoy at ang kanilang mukha ay isusugba sa Apoy (at sa kanila ay ipagsusulit:) “Lasapin ninyo at damhin ang Impiyerno!”
إِنَّا كُلَّ شَيْءٍ خَلَقْنَاهُ بِقَدَرٍ
Katotohanang Aming nilikha ang lahat ng bagay sa Qadar (hustong anyo at ganap na sukat, isang maka-diyos na Pagtatakda [pag-uutos] ng lahat ng bagay bago pa ang paglikha sa kanila na katulad nang nakasulat sa Aklat ng mga Pag-uutos – Al Lauh Al Mahfuz

Choose other languages: