Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qalam Ayahs #11 Translated in Filipino

إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ بِمَنْ ضَلَّ عَنْ سَبِيلِهِ وَهُوَ أَعْلَمُ بِالْمُهْتَدِينَ
Katotohanan, ang iyong Panginoon ang lubos na nakakaalam kung sino (sa karamihan ng mga tao) ang napaligaw sa Tamang Landas at lubos Niyang talastas kung sino sa inyo ang sumusunod sa Tamang Patnubay
فَلَا تُطِعِ الْمُكَذِّبِينَ
Kaya’t huwag mong sundin (O Muhammad) ang mga nagtatatwa (sa Kaisahan ni Allah at nagpapabulaan sa Kanyang mga Talata, sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad, atbp)
وَدُّوا لَوْ تُدْهِنُ فَيُدْهِنُونَ
Ang kanilang hangarin ay pumayag ka na makipagkasundo sa kanila (sa pananampalataya mula sa iyong kagandahang loob), kaya’t sila (rin) ay makikipagkasundo sa iyo
وَلَا تُطِعْ كُلَّ حَلَّافٍ مَهِينٍ
At huwag mong dinggin ang mga tao na nanunumpa ng lubhang marami (sa kasinungalingan), at maipapalagay na walang halaga
هَمَّازٍ مَشَّاءٍ بِنَمِيمٍ
Na mapangwasak (sa katotohanan) at nagkakalat ng paninirang-puri

Choose other languages: