Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qalam Ayahs #47 Translated in Filipino

خَاشِعَةً أَبْصَارُهُمْ تَرْهَقُهُمْ ذِلَّةٌ ۖ وَقَدْ كَانُوا يُدْعَوْنَ إِلَى السُّجُودِ وَهُمْ سَالِمُونَ
Ang kanilang mga mata ay nakatuon sa lupa, at ang pagkaaba ay bumabalot sa kanila, sapagkat napagtanto nila (na sa buhay sa mundong ito), sila ay pinag-utusan na magpatirapa (sa pag-aalay ng panalangin), habang sila ay buo pa (malusog at mainam) at hindi nasasaktan (subalit sila ay hindi sumunod)
فَذَرْنِي وَمَنْ يُكَذِّبُ بِهَٰذَا الْحَدِيثِ ۖ سَنَسْتَدْرِجُهُمْ مِنْ حَيْثُ لَا يَعْلَمُونَ
Kaya’t Ako ay hayaan ninyo na humarap sa kanila na nagpasinungaling sa Kapahayagang ito (ang Qur’an). Sila ay Aming parurusahan ng dahan-dahan sa lahat ng paraan na hindi nila napag-uunawa
وَأُمْلِي لَهُمْ ۚ إِنَّ كَيْدِي مَتِينٌ
Ang mahabang pagkakataon (at palugit) ay Aking ipagkakaloob sa kanila. Katotohanan, ang Aking balak ay makapangyarihan
أَمْ تَسْأَلُهُمْ أَجْرًا فَهُمْ مِنْ مَغْرَمٍ مُثْقَلُونَ
o ikaw ba (o Muhammad) ay humingi ng ganting biyaya sa kanila, kaya’t sila ay nasadlak sa mabigat na pagkakautang
أَمْ عِنْدَهُمُ الْغَيْبُ فَهُمْ يَكْتُبُونَ
o nasa kanila bang mga kamay ang susi ng Al-Ghaib (mga nalilingid na bagay), upang ito ay kanilang maisulat

Choose other languages: