Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qalam Ayahs #49 Translated in Filipino

وَأُمْلِي لَهُمْ ۚ إِنَّ كَيْدِي مَتِينٌ
Ang mahabang pagkakataon (at palugit) ay Aking ipagkakaloob sa kanila. Katotohanan, ang Aking balak ay makapangyarihan
أَمْ تَسْأَلُهُمْ أَجْرًا فَهُمْ مِنْ مَغْرَمٍ مُثْقَلُونَ
o ikaw ba (o Muhammad) ay humingi ng ganting biyaya sa kanila, kaya’t sila ay nasadlak sa mabigat na pagkakautang
أَمْ عِنْدَهُمُ الْغَيْبُ فَهُمْ يَكْتُبُونَ
o nasa kanila bang mga kamay ang susi ng Al-Ghaib (mga nalilingid na bagay), upang ito ay kanilang maisulat
فَاصْبِرْ لِحُكْمِ رَبِّكَ وَلَا تَكُنْ كَصَاحِبِ الْحُوتِ إِذْ نَادَىٰ وَهُوَ مَكْظُومٌ
Kaya’t maghintay ng may pagtitiyaga sa Pasya ng iyong Panginoon, at huwag matulad sa Kasamahan ng Isda, nang siya ay manikluhod (sa Amin) samantalang siya ay nasa matinding kapighatian. (Tunghayan ang Qur’an)
لَوْلَا أَنْ تَدَارَكَهُ نِعْمَةٌ مِنْ رَبِّهِ لَنُبِذَ بِالْعَرَاءِ وَهُوَ مَذْمُومٌ
Kung nangyaring ang Biyaya ng kanyang Panginoon ay hindi sumapit sa kanya, katotohanang siya (ay naiwan sa tiyan ng Isda, datapuwa’t Aming pinatawad siya), kaya’t siya ay itinapon sa hantad na dalampasigan habang siya ang dapat sisihin

Choose other languages: