Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qalam Ayahs #27 Translated in Filipino

فَانْطَلَقُوا وَهُمْ يَتَخَافَتُونَ
Kaya’t sila ay nagsilakad na nagsasalitaan ng lihim sa isa’t-isa sa mahinang tinig (na nagsasabi)
أَنْ لَا يَدْخُلَنَّهَا الْيَوْمَ عَلَيْكُمْ مِسْكِينٌ
Huwag hayaan ang sinumang mahirap na tao na makapasok sa (halamanan) sa araw na ito
وَغَدَوْا عَلَىٰ حَرْدٍ قَادِرِينَ
At sinimulan nila ang umaga na may matibay na hangarin, na nag-aakala na sila ay may kapangyarihan (na hadlangan ang mahirap sa pagkuha ng anuman sa mga bunga nito)
فَلَمَّا رَأَوْهَا قَالُوا إِنَّا لَضَالُّونَ
Ngunit nang kanilang mamasdan (ang halamanan), sila ay nagsipagsabi: “Katotohanang tayo ay napaligaw sa ating patutunguhan!”
بَلْ نَحْنُ مَحْرُومُونَ
(At sila ay nagsabi): “Tunay ngang tayo ay pinagkaitan sa mga bunga (ng ating paghihirap)!”

Choose other languages: