Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qalam Ayahs #29 Translated in Filipino

وَغَدَوْا عَلَىٰ حَرْدٍ قَادِرِينَ
At sinimulan nila ang umaga na may matibay na hangarin, na nag-aakala na sila ay may kapangyarihan (na hadlangan ang mahirap sa pagkuha ng anuman sa mga bunga nito)
فَلَمَّا رَأَوْهَا قَالُوا إِنَّا لَضَالُّونَ
Ngunit nang kanilang mamasdan (ang halamanan), sila ay nagsipagsabi: “Katotohanang tayo ay napaligaw sa ating patutunguhan!”
بَلْ نَحْنُ مَحْرُومُونَ
(At sila ay nagsabi): “Tunay ngang tayo ay pinagkaitan sa mga bunga (ng ating paghihirap)!”
قَالَ أَوْسَطُهُمْ أَلَمْ أَقُلْ لَكُمْ لَوْلَا تُسَبِّحُونَ
Ang pinakamagaling (makatarungan) sa kanila ay nagsabi: “Hindi ba aking tinuran sa inyo: Bakit hindi ninyo luwalhatiin si Allah?”
قَالُوا سُبْحَانَ رَبِّنَا إِنَّا كُنَّا ظَالِمِينَ
At sila ay nagbadya: “Luwalhatiin ang ating Panginoon! Katotohanang kami ay naging Zalimun (mga mapaggawa ng kamalian, buktot, tampalasan)!”

Choose other languages: