Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Mulk Ayahs #9 Translated in Filipino

وَلَقَدْ زَيَّنَّا السَّمَاءَ الدُّنْيَا بِمَصَابِيحَ وَجَعَلْنَاهَا رُجُومًا لِلشَّيَاطِينِ ۖ وَأَعْتَدْنَا لَهُمْ عَذَابَ السَّعِيرِ
At katotohanangginayakan Naminangpinakamababang kalangitan ng mga pananglaw at ginawa Namin ang gayong mga ilaw (bilang) mga pamuksang sandata upang itaboy ang masasama (mga diyablo), Aming inihanda sa kanila ang Kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy
وَلِلَّذِينَ كَفَرُوا بِرَبِّهِمْ عَذَابُ جَهَنَّمَ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ
At sa mga nagtatakwil sa kanilang Panginoon at Tagapagtaguyod (Allah), sasakanila ang Kaparusahan ng Impiyerno at tunay na pagkasama-sama ng gayong patutunguhan
إِذَا أُلْقُوا فِيهَا سَمِعُوا لَهَا شَهِيقًا وَهِيَ تَفُورُ
At kung sila ay ihulog na rito, ay mapapakinggan nila ang (kalagim- lagim) na pagngangalit nito habang ito ay kumukulo at naglalagablab
تَكَادُ تَمَيَّزُ مِنَ الْغَيْظِ ۖ كُلَّمَا أُلْقِيَ فِيهَا فَوْجٌ سَأَلَهُمْ خَزَنَتُهَا أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَذِيرٌ
Na halos sumabog na sa pagkagalit. Sa tuwing may pangkat ng mga tao na inihahagis dito, ang kanyang Tagapagbantay ay nagtatanong: “Hindi baga dumatal sa inyo ang isang Tagapagbabala (at Tagapagpaala-ala)
قَالُوا بَلَىٰ قَدْ جَاءَنَا نَذِيرٌ فَكَذَّبْنَا وَقُلْنَا مَا نَزَّلَ اللَّهُ مِنْ شَيْءٍ إِنْ أَنْتُمْ إِلَّا فِي ضَلَالٍ كَبِيرٍ
At sila ay magsasabi: “Katotohanan, ang Tagapagbabala ay dumatal sa amin datapuwa’t aming itinakwil siya at nagsabi: Si Allah ay hindi kailanman nagpahayag ng anuman sa amin at ikaw ay walang halaga at nahihibang (sa kamalian).”

Choose other languages: