Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Mulk Ayahs #17 Translated in Filipino

وَأَسِرُّوا قَوْلَكُمْ أَوِ اجْهَرُوا بِهِ ۖ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
At kahit na ilihim mo pa ang iyong salita o ihayag man ito, katotohanang Siya ang may ganap na kaalaman sa nilalaman ng dibdib (ng mga tao)
أَلَا يَعْلَمُ مَنْ خَلَقَ وَهُوَ اللَّطِيفُ الْخَبِيرُ
Hindi baga Niya talastas kung ano ang Kanyang nilikha? Siya ang nakakaalam ng anumang hibla ng kahiwagaan at may ganap na pang-unawa (sa lahat ng bagay)
هُوَ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ ذَلُولًا فَامْشُوا فِي مَنَاكِبِهَا وَكُلُوا مِنْ رِزْقِهِ ۖ وَإِلَيْهِ النُّشُورُ
Siya (Allah) ang gumawa na ang kalupaan ay inyong maayos (alalaong baga, na maging madali sa inyo ang lumakad, makapamuhay, makapagtanim, atbp.), kaya’t inyong tahakin ang mga landas nito at inyong tamasahin ang mga biyaya na Kanyang ipinagkaloob, at sa Kanya ang Muling Pagkabuhay
أَأَمِنْتُمْ مَنْ فِي السَّمَاءِ أَنْ يَخْسِفَ بِكُمُ الْأَرْضَ فَإِذَا هِيَ تَمُورُ
Hindi ka ba nakadarama ng kapanatagan na Siya na nasa Sangkalangitan ay hindi magpapahintulot na ikaw ay lagumin ng lupa kung ito ay mayanig sa paglindol
أَمْ أَمِنْتُمْ مَنْ فِي السَّمَاءِ أَنْ يُرْسِلَ عَلَيْكُمْ حَاصِبًا ۖ فَسَتَعْلَمُونَ كَيْفَ نَذِيرِ
o hindi ka ba nakadarama ng kapanatagan na Siya na nasa Sangkalangitan ay hindi magpaparating laban sa iyo ng nag-aalimpuyong bagyo? At inyong mapag-alaman kung gaano kasindak-sindak ang Aking babala

Choose other languages: