Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Mulk Ayahs #14 Translated in Filipino

وَقَالُوا لَوْ كُنَّا نَسْمَعُ أَوْ نَعْقِلُ مَا كُنَّا فِي أَصْحَابِ السَّعِيرِ
At sila ay muling magsasabi: “Kung nakinig lamang kami at gumamit ng aming pag-iisip, hindi sana kami magsisitahan sa Naglalagablab na Apoy!”
فَاعْتَرَفُوا بِذَنْبِهِمْ فَسُحْقًا لِأَصْحَابِ السَّعِيرِ
Kaya’t aaminin nila ang kanilang mga kasalanan, datapuwa’t malayo sa kapatawaran (at habag) ang mga nagsisitahan sa Naglalagablab na Apoy
إِنَّ الَّذِينَ يَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ بِالْغَيْبِ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَأَجْرٌ كَبِيرٌ
Katotohanang sila na may pagkatakot sa kanilang Panginoon (sa kanilang puso, alalaong baga, hindi man nila nakikita Siya at ang Kanyang kaparusahan sa Kabilang Buhay, atbp.), sasakanila ang kapatawaran at malaking gantimpala (Paraiso)
وَأَسِرُّوا قَوْلَكُمْ أَوِ اجْهَرُوا بِهِ ۖ إِنَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
At kahit na ilihim mo pa ang iyong salita o ihayag man ito, katotohanang Siya ang may ganap na kaalaman sa nilalaman ng dibdib (ng mga tao)
أَلَا يَعْلَمُ مَنْ خَلَقَ وَهُوَ اللَّطِيفُ الْخَبِيرُ
Hindi baga Niya talastas kung ano ang Kanyang nilikha? Siya ang nakakaalam ng anumang hibla ng kahiwagaan at may ganap na pang-unawa (sa lahat ng bagay)

Choose other languages: