Surah Al-Mujadala Ayahs #8 Translated in Filipino
فَمَنْ لَمْ يَجِدْ فَصِيَامُ شَهْرَيْنِ مُتَتَابِعَيْنِ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَتَمَاسَّا ۖ فَمَنْ لَمْ يَسْتَطِعْ فَإِطْعَامُ سِتِّينَ مِسْكِينًا ۚ ذَٰلِكَ لِتُؤْمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ ۚ وَتِلْكَ حُدُودُ اللَّهِ ۗ وَلِلْكَافِرِينَ عَذَابٌ أَلِيمٌ
At kung sinuman ang walang kakayahan (o walang salapi upang magpalaya ng isang alipin), ay marapat na mag-ayuno ng magkasunod na dalawang buwan bago sila magsiping sa isa’t isa, datapuwa’t kung sinuman ang hindi makasunod dito ay marapat siyang magpakain ng animnapung tao (na nanglilimos). Sa ganito ay maipapakita ninyo ang inyong ganap na Pananampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita. Ito ang mga hangganan (na itinakda) ni Allah. At sa mga nagtatakwil sa Kanya, sa kanila ay naghihintay ang kasakit-sakit na Kaparusahan
إِنَّ الَّذِينَ يُحَادُّونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ كُبِتُوا كَمَا كُبِتَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ وَقَدْ أَنْزَلْنَا آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ ۚ وَلِلْكَافِرِينَ عَذَابٌ مُهِينٌ
Katotohanang sila na sumusuway sa (mga pag-uutos) ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita (Muhammad) ay manlulupaypay na parang alikabok (mawawalan ng karangalan), na katulad ng mga tao ng panahong sinauna na winalang dangal (din), sapagkat ipinarating Namin ang Maliliwanag na Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.). At ang mga hindi sumasampalataya ay magkakamit ng kaaba-abang Kaparusahan
يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ اللَّهُ جَمِيعًا فَيُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا ۚ أَحْصَاهُ اللَّهُ وَنَسُوهُ ۚ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ
Sa Araw na sila ay ibabangong muli ni Allah nang sama-sama (alalaong baga, sa Araw ng Muling Pagkabuhay) at ipangungusap sa kanila ang kanilang mga ginawa. Si Allah ang nag-iingat ng kanilang pagsusulit habang ito ay kanilang nakalimutan, sapagkat si Allah ang Saksi sa lahat ng bagay
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۖ مَا يَكُونُ مِنْ نَجْوَىٰ ثَلَاثَةٍ إِلَّا هُوَ رَابِعُهُمْ وَلَا خَمْسَةٍ إِلَّا هُوَ سَادِسُهُمْ وَلَا أَدْنَىٰ مِنْ ذَٰلِكَ وَلَا أَكْثَرَ إِلَّا هُوَ مَعَهُمْ أَيْنَ مَا كَانُوا ۖ ثُمَّ يُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
Hindi ba ninyo napagmamalas na si Allah ang nakakabatid ng anupamang nasa kalangitan at kalupaan? walang anumang lihim na pag-uusap ang tatlo, na hindi Siya pang-apat (sa Kanyang Karunungan, habang Siya ay nasa ibabaw ng Kanyang Luklukan sa pampitong Langit), gayundin naman ng lima, na hindi Siya pang-anim (sa Kanyang Karunungan), gayundin kung kakaunti o marami, na hindi Siya isa sa kanila (sa Kanyang Karunungan) kahit saan pa mang lugar; at sa bandang huli sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay Kanyang ipangungusap sa kanila ang kanilang ginawa. Katotohanang si Allah ang Lubos na Maalam sa lahat ng bagay
أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ نُهُوا عَنِ النَّجْوَىٰ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا نُهُوا عَنْهُ وَيَتَنَاجَوْنَ بِالْإِثْمِ وَالْعُدْوَانِ وَمَعْصِيَتِ الرَّسُولِ وَإِذَا جَاءُوكَ حَيَّوْكَ بِمَا لَمْ يُحَيِّكَ بِهِ اللَّهُ وَيَقُولُونَ فِي أَنْفُسِهِمْ لَوْلَا يُعَذِّبُنَا اللَّهُ بِمَا نَقُولُ ۚ حَسْبُهُمْ جَهَنَّمُ يَصْلَوْنَهَا ۖ فَبِئْسَ الْمَصِيرُ
Napagmamasdan mo ba siya na pinagbawalan (na gumawa) ng mga lihim na pagsasanggunian, at pagkaraan ay muling nagbalik doon sa mga bagay na ipinagbawal (na kanilang gawin)? At sila ay nagdaraos ng mga lihim na pagsasanggunian sa kanilang sarili patungkol sa kasamaan at pagmamalupit at hindi pagsunod sa Tagapagbalita (Muhammad). At kung sila ay lumalapit sa iyo, sila ay bumabati sa iyo sa paraan na hindi katulad nang pagbati ni Allah sa iyo (bagkus ay sa masamang paraan); at sila ay nagsasabi sa kanilang sarili: “Bakit hindi kami pinarurusahan ni Allah sa aming mga salita”? Sapat na sa kanila ang Impiyerno! Sila ay masusunog dito at tunay namang pagkasama-sama ang gayong hantungan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
