Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #98 Translated in Filipino

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَيَبْلُوَنَّكُمُ اللَّهُ بِشَيْءٍ مِنَ الصَّيْدِ تَنَالُهُ أَيْدِيكُمْ وَرِمَاحُكُمْ لِيَعْلَمَ اللَّهُ مَنْ يَخَافُهُ بِالْغَيْبِ ۚ فَمَنِ اعْتَدَىٰ بَعْدَ ذَٰلِكَ فَلَهُ عَذَابٌ أَلِيمٌ
o kayong nagsisisampalataya! Si Allah ay katiyakang magbibigay sa inyo ng pagsubok sa isang bagay (sa pamamaraan) ng laro (o tagisan o pangangaso) na tunay na maaabot ng inyong mga kamay at ng inyong mga sibat, upang masubukan ni Allah kung sino ang nangangamba sa Kanya kahit na (Siya) ay hindi (ninyo) nakikita. Kaya’t kung sinuman ang lumabag makaraan ito, sasakanya ang kasakit- sakit na kaparusahan
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَقْتُلُوا الصَّيْدَ وَأَنْتُمْ حُرُمٌ ۚ وَمَنْ قَتَلَهُ مِنْكُمْ مُتَعَمِّدًا فَجَزَاءٌ مِثْلُ مَا قَتَلَ مِنَ النَّعَمِ يَحْكُمُ بِهِ ذَوَا عَدْلٍ مِنْكُمْ هَدْيًا بَالِغَ الْكَعْبَةِ أَوْ كَفَّارَةٌ طَعَامُ مَسَاكِينَ أَوْ عَدْلُ ذَٰلِكَ صِيَامًا لِيَذُوقَ وَبَالَ أَمْرِهِ ۗ عَفَا اللَّهُ عَمَّا سَلَفَ ۚ وَمَنْ عَادَ فَيَنْتَقِمُ اللَّهُ مِنْهُ ۗ وَاللَّهُ عَزِيزٌ ذُو انْتِقَامٍ
o kayong nagsisisampalataya! Huwag kayong pumatay ng mga hayop (sa pamamagitan ng pangangaso) habang kayo ay nasa kalagayan ng Ihram (kasuutan) sa Hajj o Umra (Pilgrimahe), at kung sinuman ang pumatay nito ng may pananadya, ang kabayaran ay isang pag-aalay, na dinala sa Ka’ba, ng isang maaaring kainin na hayop (tulad ng tupa, kambing, baka, atbp.) na katumbas ng kanyang napatay, na pinagpasyahan ng dalawang makatarungang lalaki sa inyong lipon; o kung (ito) ay bilang kabayaran (sa kasalanan), siya ay nararapat na magpakain ng sampung tao na mahirap o ang katumbas nito sa pag- aayuno, upang kanyang malasap ang kabigatan (ng parusa) ng kanyang gawa. Si Allah ay nagpatawad kung anuman ang nakaraan, datapuwa’t kung sinuman ang muling gumawa nito, si Allah ay kukuha ng ganti (kabayaran) mula sa kanya. At si Allah ay Sukdol sa Kapangyarihan, ang Panginoon ng Pagganti (Pagpaparusa)
أُحِلَّ لَكُمْ صَيْدُ الْبَحْرِ وَطَعَامُهُ مَتَاعًا لَكُمْ وَلِلسَّيَّارَةِ ۖ وَحُرِّمَ عَلَيْكُمْ صَيْدُ الْبَرِّ مَا دُمْتُمْ حُرُمًا ۗ وَاتَّقُوا اللَّهَ الَّذِي إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ
Pinahihintulutan sa inyo (ang paghahanap o panghuhuli) ng mga hayop (o pagkaing dagat) sa tubig at ang gamit nito bilang pagkain, – para sa kapakinabangan ng inyong sarili at ng mga naglalakbay, datapuwa’t ipinagbabawal (ang paghahanap o pangangaso) ng hayop sa katihan habang kayo ay nasa kalagayan ng Ihram (kasuutan ng Hajj at Umra). At (inyong) pangambahan si Allah, kayo sa Kanya ay muling titipunin
جَعَلَ اللَّهُ الْكَعْبَةَ الْبَيْتَ الْحَرَامَ قِيَامًا لِلنَّاسِ وَالشَّهْرَ الْحَرَامَ وَالْهَدْيَ وَالْقَلَائِدَ ۚ ذَٰلِكَ لِتَعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ وَأَنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
Si Allah ang gumawa ng Ka’ba, ang Sagradong Tahanan, bilang isang Kalinga (o kanlungan) ng kapanatagan at ng Hajj at Umra (Pilgrimahe) para sa sangkatauhan, at gayundin ng mga Sagradong Buwan at ng mga hayop na pang-alay (pangsakripisyo) at sa mga koronang bulaklak na nagbibigay tanda sa kanila (sa tao man at sa hayop), upang inyong maalaman na si Allah ay may karunungan kung ano ang nasa kalangitan at kung ano ang nasa kalupaan, at si Allah ay Ganap na Nakakaalam ng bawat isa at lahat ng bagay
اعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ وَأَنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Inyong maalaman na si Allah ay mahigpit sa kaparusahan at si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

Choose other languages: