Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #83 Translated in Filipino

كَانُوا لَا يَتَنَاهَوْنَ عَنْ مُنْكَرٍ فَعَلُوهُ ۚ لَبِئْسَ مَا كَانُوا يَفْعَلُونَ
Sila ay nahirati na hindi nagbabawal sa isa’t isa sa Munkar (kamalian, kasamaan, kasalanan, pagsamba sa diyus- diyosan, kawalan ng pananalig, atbp.) na kanilang ginawa. Tunay na kabuktutan ang kanilang laging ginagawa
تَرَىٰ كَثِيرًا مِنْهُمْ يَتَوَلَّوْنَ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ لَبِئْسَ مَا قَدَّمَتْ لَهُمْ أَنْفُسُهُمْ أَنْ سَخِطَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ وَفِي الْعَذَابِ هُمْ خَالِدُونَ
Napagmamalas mo ang karamihan sa kanila na tumatangkilik sa mga hindi nananampalataya bilang kanilang Auliya (mga tagapangalaga at kawaksi). Tunay na kasamaan ang inihantong ng kanilang sarili sa kanilang harapan, at sa gayong (dahilan) ang Poot ni Allah ay sumapit sa kanila, at sa kaparusahan sila ay mananahan
وَلَوْ كَانُوا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالنَّبِيِّ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْهِ مَا اتَّخَذُوهُمْ أَوْلِيَاءَ وَلَٰكِنَّ كَثِيرًا مِنْهُمْ فَاسِقُونَ
At kung sila lamang ay nanampalataya kay Allah, at sa Propeta (Muhammad) at sa anumang ipinahayag sa kanya, kailanman ay hindi nila tatangkilikin sila (na mga walang pananalig) bilang Auliya (mga tagapangalaga at kawaksi), datapuwa’t marami sa kanila ang Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
لَتَجِدَنَّ أَشَدَّ النَّاسِ عَدَاوَةً لِلَّذِينَ آمَنُوا الْيَهُودَ وَالَّذِينَ أَشْرَكُوا ۖ وَلَتَجِدَنَّ أَقْرَبَهُمْ مَوَدَّةً لِلَّذِينَ آمَنُوا الَّذِينَ قَالُوا إِنَّا نَصَارَىٰ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّ مِنْهُمْ قِسِّيسِينَ وَرُهْبَانًا وَأَنَّهُمْ لَا يَسْتَكْبِرُونَ
Katotohanan, inyong matatagpuan sa lipon ng mga tao na may pinakamatinding pagkapoot sa mga sumasampalataya (mga Muslim) ay ang mga Hudyo at pagano, at inyong matatagpuan na ang may pinakamalapit na pagmamahal sa mga sumasampalataya (mga Muslim) ay sila na nagsasabi: “Kami ay mga Kristiyano.” Ito’y sa dahilang sa karamihan nila ay may mga pari at monako, at sila ay hindi mga palalo
وَإِذَا سَمِعُوا مَا أُنْزِلَ إِلَى الرَّسُولِ تَرَىٰ أَعْيُنَهُمْ تَفِيضُ مِنَ الدَّمْعِ مِمَّا عَرَفُوا مِنَ الْحَقِّ ۖ يَقُولُونَ رَبَّنَا آمَنَّا فَاكْتُبْنَا مَعَ الشَّاهِدِينَ
At kung sila (na tumatawag sa kanilang sarili na mga Kristiyano) ay nakikinig sa mga ipinanaog (na kapahayagan) sa Tagapagbalita (Muhammad), mapagmamalas mo ang kanilang mga mata na binabalungan ng luha dahilan sa katotohanan na kanilang napagkilala. Sila ay nagsasabi: “Aming Panginoon! Kami ay nananampalataya, kaya’t kami ay Inyong itala sa karamihan ng mga saksi.”

Choose other languages: