Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #62 Translated in Filipino

وَإِذَا نَادَيْتُمْ إِلَى الصَّلَاةِ اتَّخَذُوهَا هُزُوًا وَلَعِبًا ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَعْقِلُونَ
At kung inyong ipinahahayag ang pagtawag sa dasal (Adhan), ito ay kanilang itinuturing (bilang isa lamang) panunuya at katuwaan; ito’y sa dahilang sila ay mga tao na hindi nakakaunawa
قُلْ يَا أَهْلَ الْكِتَابِ هَلْ تَنْقِمُونَ مِنَّا إِلَّا أَنْ آمَنَّا بِاللَّهِ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْنَا وَمَا أُنْزِلَ مِنْ قَبْلُ وَأَنَّ أَكْثَرَكُمْ فَاسِقُونَ
Ipagbadya: “O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Kayo ba ay pumupuna sa amin ng walang ibang dahilan, maliban lamang na kami ay sumasampalataya kay Allah, at sa (kapahayagan) na ipinanaog sa amin at sa mga ipinanaog nang una pa (sa amin), at ang karamihan sa inyo ay Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah).”
قُلْ هَلْ أُنَبِّئُكُمْ بِشَرٍّ مِنْ ذَٰلِكَ مَثُوبَةً عِنْدَ اللَّهِ ۚ مَنْ لَعَنَهُ اللَّهُ وَغَضِبَ عَلَيْهِ وَجَعَلَ مِنْهُمُ الْقِرَدَةَ وَالْخَنَازِيرَ وَعَبَدَ الطَّاغُوتَ ۚ أُولَٰئِكَ شَرٌّ مَكَانًا وَأَضَلُّ عَنْ سَوَاءِ السَّبِيلِ
Ipagbadya (O Muhammad sa Angkan ng Kasulatan): “Ipapaalam ko ba sa inyo ang bagay na higit na masama kaysa rito, tungkol sa ganti mula kay Allah: ang (mga Hudyo) na nagkamit ng Sumpa ni Allah at Kanyang Poot, at sa kanila (ang ilan) ay Kanyang pinagpanibagong hugis na tulad ng mga unggoy at baboy, ang mga sumasamba sa Taghut (diyus-diyosan; sila ang higit na masama ang antas [sa Araw ng Muling Pagkabuhay] sa Apoy ng Impiyerno), at higit na napaligaw nang malayo sa Tuwid na Landas (sa buhay sa mundong ito).”
وَإِذَا جَاءُوكُمْ قَالُوا آمَنَّا وَقَدْ دَخَلُوا بِالْكُفْرِ وَهُمْ قَدْ خَرَجُوا بِهِ ۚ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا كَانُوا يَكْتُمُونَ
At nang sila ay lumapit sa inyo, sila ay nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya.” Datapuwa’t sa katotohanan, sila ay pumasok (na may saloobin) ng kawalan ng pananalig at sila ay lumabas na may gayon ding damdamin. At si Allah ang nakakaalam ng lahat ng kanilang ikinukubli
وَتَرَىٰ كَثِيرًا مِنْهُمْ يُسَارِعُونَ فِي الْإِثْمِ وَالْعُدْوَانِ وَأَكْلِهِمُ السُّحْتَ ۚ لَبِئْسَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
At inyong napagmamalas ang marami sa kanila (mga Hudyo) na nagmamadali sa kasalanan at paglabag, at kumakain ng mga bawal na bagay (tulad ng suhol at riba [tubo sa pera o pautang], atbp.). Tunay na kasamaan ang kanilang ginagawa

Choose other languages: