Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayahs #57 Translated in Filipino

وَيَقُولُ الَّذِينَ آمَنُوا أَهَٰؤُلَاءِ الَّذِينَ أَقْسَمُوا بِاللَّهِ جَهْدَ أَيْمَانِهِمْ ۙ إِنَّهُمْ لَمَعَكُمْ ۚ حَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ فَأَصْبَحُوا خَاسِرِينَ
At ang mga sumasampalataya ay magsasabi: “Sila ba ang mga tao (na mapagkunwari) na sumusumpa ng kanilang pinakamatibay na pangako kay Allah, na sila ay nasa panig ninyo (mga Muslim).” Ang lahat ng kanilang ginawa ay walang saysay (dahilan sa kanilang pagkukunwari), at sila ay naging talunan
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا مَنْ يَرْتَدَّ مِنْكُمْ عَنْ دِينِهِ فَسَوْفَ يَأْتِي اللَّهُ بِقَوْمٍ يُحِبُّهُمْ وَيُحِبُّونَهُ أَذِلَّةٍ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ أَعِزَّةٍ عَلَى الْكَافِرِينَ يُجَاهِدُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَلَا يَخَافُونَ لَوْمَةَ لَائِمٍ ۚ ذَٰلِكَ فَضْلُ اللَّهِ يُؤْتِيهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ
o kayong nagsisisampalataya! Sinuman sa lipon ninyo ang tumalikod sa kanyang pananampalataya (Islam), si Allah ay magdadala ng mga tao na Kanyang mamahalin at magmamahal sa Kanya; na mapagkumbaba sa mga sumasampalataya, na matatag laban sa mga hindi sumasampalataya, na nakikipaglaban sa Landas ni Allah, at hindi kailanman nangangamba sa paratang ng mga nagpaparatang (naninisi). Ito ang biyaya ni Allah na Kanyang ipinagkakaloob sa sinumang Kanyang maibigan. At si Allah ay may Ganap na Kasapatan sa pangangailangan ng (Kanyang) mga nilikha, ang Puspos ng Kaalaman
إِنَّمَا وَلِيُّكُمُ اللَّهُ وَرَسُولُهُ وَالَّذِينَ آمَنُوا الَّذِينَ يُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَهُمْ رَاكِعُونَ
Katotohanan, ang inyong Wali (Tagapangalaga o Kawaksi) ay si Allah, ang Kanyang Tagapagbalita, at ang mga sumasampalataya, - ang nag-aalay ng dasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salat), ang nagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at sila ay yumuyukod (nagsusuko ng kanilang sarili ng may pagsunod kay Allah sa pagdarasal)
وَمَنْ يَتَوَلَّ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَالَّذِينَ آمَنُوا فَإِنَّ حِزْبَ اللَّهِ هُمُ الْغَالِبُونَ
At sinuman ang tumangkilik kay Allah, sa Kanyang Tagapagbalita, at sa mga sumasampalataya bilang mga Tagapangalaga, kung gayon, ang pangkat ni Allah ay magiging matagumpay
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا الَّذِينَ اتَّخَذُوا دِينَكُمْ هُزُوًا وَلَعِبًا مِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ مِنْ قَبْلِكُمْ وَالْكُفَّارَ أَوْلِيَاءَ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
O kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong tangkilikin bilang Auliya (tagapangalaga at kawaksi) ang mga nagtuturing sa inyong pananampalataya bilang isang panunuya at katatawanan mula sa lipon ng mga nakatanggap ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) nang una pa sa inyo, gayundin sa mga lipon ng hindi sumasampalataya; at inyong pangambahan si Allah kung kayo ay tunay na nananampalataya

Choose other languages: