Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayah #103 Translated in Filipino

مَا جَعَلَ اللَّهُ مِنْ بَحِيرَةٍ وَلَا سَائِبَةٍ وَلَا وَصِيلَةٍ وَلَا حَامٍ ۙ وَلَٰكِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا يَفْتَرُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ ۖ وَأَكْثَرُهُمْ لَا يَعْقِلُونَ
Si Allah ay hindi nagtatag ng mga bagay na katulad ng Bahira (isang babaeng kamelyo na ang [kanyang] gatas ay inilaan sa mga diyus-diyosan at walang sinuman ang pinahihintulutan na uminom nito) o ng Sa’iba (isang babaeng kamelyo na hinayaang gumagala- gala upang malayang manginain para sa kanilang mga diyus- diyosan at walang maaaring ipapasan sa kanya), o ng isang wasila (isang babaeng kamelyo na pinawalan para sa mga diyus-diyosan sapagkat ito ay nagsilang ng isang babaeng kamelyo sa unang panganganak at muli ay nagsilang ng babaeng kamelyo sa pangalawang panganganak), o ng isang Ham (isang palahiang kamelyo na hindi ginagamit sa paggawa para sa kanilang mga diyus-diyosan, matapos na makaganap ito ng maraming pagpapalahi na nakatalaga rito) [ang lahat ng mga ganitong hayop ay pinalaya (hinayaan) tungo sa pagbibigay parangal sa mga diyus- diyosan na isinasagawa ng mga paganong Arabo bago pa dumating ang Islam (sa kanila)]. Datapuwa’t ang mga hindi sumasampalataya ay kumakatha ng mga kasinungalingan laban kay Allah, at ang karamihan sa kanila ay walang pang- unawa

Choose other languages: