Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #80 Translated in Filipino

قَالَ إِنْ سَأَلْتُكَ عَنْ شَيْءٍ بَعْدَهَا فَلَا تُصَاحِبْنِي ۖ قَدْ بَلَغْتَ مِنْ لَدُنِّي عُذْرًا
(Si Moises) ay nagsabi: “Kung ako ay magtanong pa sa iyo ng anuman pagkatapos nito, huwag mo na akong isama sa iyong pangkat, ikaw ay nakatanggap ng isang dahilan mula sa akin.”
فَانْطَلَقَا حَتَّىٰ إِذَا أَتَيَا أَهْلَ قَرْيَةٍ اسْتَطْعَمَا أَهْلَهَا فَأَبَوْا أَنْ يُضَيِّفُوهُمَا فَوَجَدَا فِيهَا جِدَارًا يُرِيدُ أَنْ يَنْقَضَّ فَأَقَامَهُ ۖ قَالَ لَوْ شِئْتَ لَاتَّخَذْتَ عَلَيْهِ أَجْرًا
At sila ay kapwa nagpatuloy hanggang nang sila ay dumating sa pamayanan ng isang bayan, sila ay nanghingi sa kanila ng pagkain, datapuwa’t sila ay tumanggi na asikasuhin sila. At kanilang natagpuan dito ang isang dingding (o bakod) na halos guguho na at kanyang (Khidr) itinindig ito nang maayos at tuwid. (Si Moises) ay nangusap: “Kung iyong ninais, katiyakang maaari kang humingi ng kabayaran para rito!”
قَالَ هَٰذَا فِرَاقُ بَيْنِي وَبَيْنِكَ ۚ سَأُنَبِّئُكَ بِتَأْوِيلِ مَا لَمْ تَسْتَطِعْ عَلَيْهِ صَبْرًا
(Si Khidr) ay nagsabi: “Ito na (ang sandali) ng ating paghihiwalay, aking sasabihin sa iyo ang kahulugan ng mga (gayong) bagay na hindi ka makatiis na huwag mag-usisa
أَمَّا السَّفِينَةُ فَكَانَتْ لِمَسَاكِينَ يَعْمَلُونَ فِي الْبَحْرِ فَأَرَدْتُ أَنْ أَعِيبَهَا وَكَانَ وَرَاءَهُمْ مَلِكٌ يَأْخُذُ كُلَّ سَفِينَةٍ غَصْبًا
Tungkol sa barko, ito ay pag-aari ng mga mahihirap na tao na nagtatrabaho sa dagat, kaya’t aking ninais na magkaroon ng kasiraan dito (barko), sapagkat may isang hari na nagtatangka sa kanila na kunin ang lahat ng barko nang puwersahan (sapilitan)
وَأَمَّا الْغُلَامُ فَكَانَ أَبَوَاهُ مُؤْمِنَيْنِ فَخَشِينَا أَنْ يُرْهِقَهُمَا طُغْيَانًا وَكُفْرًا
At tungkol sa batang lalaki, ang kanyang mga magulang ay nananampalataya, at kami ay nangangamba na kanyang apihin sila sa pamamagitan ng kanyang kalapastanganan at kawalan ng pananalig

Choose other languages: