Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #76 Translated in Filipino

قَالَ أَلَمْ أَقُلْ إِنَّكَ لَنْ تَسْتَطِيعَ مَعِيَ صَبْرًا
Siya (Khidr) ay nagsabi: “Hindi baga sinabi ko na sa iyo na ikaw ay hindi makakapagpasensiya sa akin?”
قَالَ لَا تُؤَاخِذْنِي بِمَا نَسِيتُ وَلَا تُرْهِقْنِي مِنْ أَمْرِي عُسْرًا
(Si Moises) ay nagsabi: “Huwag mo akong papanagutin sa bagay na aking nakalimutan at huwag kang maging mahigpit sa akin dahil sa aking ikinikilos (sa iyo).”
فَانْطَلَقَا حَتَّىٰ إِذَا لَقِيَا غُلَامًا فَقَتَلَهُ قَالَ أَقَتَلْتَ نَفْسًا زَكِيَّةً بِغَيْرِ نَفْسٍ لَقَدْ جِئْتَ شَيْئًا نُكْرًا
At sila ay kapwa nagpatuloy hanggang sa kanilang makatagpo ang isang batang lalaki, kanyang (Khidr) pinatay siya. Si Moises ay nangusap: “Iyong pinatay ang isang walang kasalanang tao, (hindi ba’t ) wala naman siyang pinatay? Katotohanang ikaw ay gumawa ng isang Nukra, isang Munkar (ipinagbabawal, masama, kakila-kilabot na bagay, kabuktutan)!”
قَالَ أَلَمْ أَقُلْ لَكَ إِنَّكَ لَنْ تَسْتَطِيعَ مَعِيَ صَبْرًا
(Si Khidr) ay nagsabi: “Hindi baga sinabi ko na sa iyo na ikaw ay hindi makakapagpasensiya sa akin?”
قَالَ إِنْ سَأَلْتُكَ عَنْ شَيْءٍ بَعْدَهَا فَلَا تُصَاحِبْنِي ۖ قَدْ بَلَغْتَ مِنْ لَدُنِّي عُذْرًا
(Si Moises) ay nagsabi: “Kung ako ay magtanong pa sa iyo ng anuman pagkatapos nito, huwag mo na akong isama sa iyong pangkat, ikaw ay nakatanggap ng isang dahilan mula sa akin.”

Choose other languages: