Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #47 Translated in Filipino

وَلَمْ تَكُنْ لَهُ فِئَةٌ يَنْصُرُونَهُ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَمَا كَانَ مُنْتَصِرًا
At wala siyang pangkat ng mga tao na makakatulong sa kanya laban kay Allah, gayundin naman, ay hindi niya maipagtatanggol o maililigtas ang kanyang sarili
هُنَالِكَ الْوَلَايَةُ لِلَّهِ الْحَقِّ ۚ هُوَ خَيْرٌ ثَوَابًا وَخَيْرٌ عُقْبًا
At doon, (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), ang pangangalaga, kapangyarihan, kapamahalaan at kaharian ay tanging kay Allah (lamang), ang Tunay na diyos. Siya (Allah) ang Pinakamainam sa gantimpala at Pinakamainam na huling hantungan. (La ilaha ill Allah, wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag- ukulan ng pagsamba maliban kay Allah)
وَاضْرِبْ لَهُمْ مَثَلَ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا كَمَاءٍ أَنْزَلْنَاهُ مِنَ السَّمَاءِ فَاخْتَلَطَ بِهِ نَبَاتُ الْأَرْضِ فَأَصْبَحَ هَشِيمًا تَذْرُوهُ الرِّيَاحُ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ مُقْتَدِرًا
At ihantad sa kanila ang halimbawa ng buhay sa mundong ito; ito ay katulad ng tubig (ulan) na Aming ipinanaog mula sa alapaap, at ang halamanan ng kalupaan ay sumanib sa kanya, at naging sariwa at luntian. Datapuwa’t (sa bandang huli), ito ay naging tuyo at nadurog sa mga piraso na ikinakalat ng hangin. At si Allah ay Makakagawa ng lahat ng bagay
الْمَالُ وَالْبَنُونَ زِينَةُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَالْبَاقِيَاتُ الصَّالِحَاتُ خَيْرٌ عِنْدَ رَبِّكَ ثَوَابًا وَخَيْرٌ أَمَلًا
Ang kayamanan at mga anak ay palamuti sa buhay sa mundong ito. Datapuwa’t ang mabuti at matuwid na mga gawa (ang limang takdang panalangin, mga gawa ng pagsunod kay Allah, mapitagang pag-uusap, pag-aala-ala kay Allah nang may pagluwalhati, papuri at pasasalamat, atbp.) na nagtatagal ay higit na mabuti sa Paningin ng iyong Panginoon kung sa gantimpala, at higit na mainam kung patungkol sa pag-asa
وَيَوْمَ نُسَيِّرُ الْجِبَالَ وَتَرَى الْأَرْضَ بَارِزَةً وَحَشَرْنَاهُمْ فَلَمْ نُغَادِرْ مِنْهُمْ أَحَدًا
At (alalahanin) ang Araw na Aming papapangyarihin na ang kabundukan ay maguho (na tulad ng ulap ng alikabok), at inyong makikita ang kalupaan na tulad ng pinatag na lupa, at sila ay Aming titipunin ng sama-sama upang walang maiwan kahit na isa

Choose other languages: