Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #106 Translated in Filipino

أَفَحَسِبَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنْ يَتَّخِذُوا عِبَادِي مِنْ دُونِي أَوْلِيَاءَ ۚ إِنَّا أَعْتَدْنَا جَهَنَّمَ لِلْكَافِرِينَ نُزُلًا
Sila ba na hindi sumasampalataya ay nag-aakala na kanilang makukuha ang Aking mga alipin (alalaong baga, ang mga anghel, ang mga Tagapagbalita ni Allah, si Hesus na anak ni Maria, atbp.) bilang Auliya (mga panginoon, diyos, tagapagtanggol, atbp.) maliban sa Akin? Katotohanang Kami ay naghanda ng Impiyerno bilang isang pang-aliw sa mga hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)
قُلْ هَلْ نُنَبِّئُكُمْ بِالْأَخْسَرِينَ أَعْمَالًا
Ipagbadya (o Muhammad): “Amin (Allah) bagang babanggitin sa iyo kung sino ang pinakatalunan kung ito ay tungkol sa (kanilang) mga gawa?”
الَّذِينَ ضَلَّ سَعْيُهُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَهُمْ يَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ يُحْسِنُونَ صُنْعًا
Sila nga, na ang kanilang pagsisikhay ay nasayang lamang sa buhay sa mundong ito habang sila ay nag-aakala na sila ay magkakamit ng kabutihan sa pamamagitan ng kanilang mga gawa
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِ رَبِّهِمْ وَلِقَائِهِ فَحَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ فَلَا نُقِيمُ لَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَزْنًا
Sila nga ang nagtatatwa sa Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ng kanilang Panginoon at ng pakikipagtipan sa Kanya (sa Kabilang Buhay). Kaya’t ang kanilang mga gawa ay walang katuturan at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, Kami ay hindi magbibigay sa kanila ng anumang pagpapahalaga
ذَٰلِكَ جَزَاؤُهُمْ جَهَنَّمُ بِمَا كَفَرُوا وَاتَّخَذُوا آيَاتِي وَرُسُلِي هُزُوًا
Ito ang kanilang magiging kabayaran, ang Impiyerno; sapagkat sila ay hindi nagsisampalataya at nagturing sa Aking Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) at sa Aking mga Tagapagbalita bilang isa lamang paraan ng pagsasaya at panunuya

Choose other languages: