Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Kahf Ayahs #108 Translated in Filipino

الَّذِينَ ضَلَّ سَعْيُهُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَهُمْ يَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ يُحْسِنُونَ صُنْعًا
Sila nga, na ang kanilang pagsisikhay ay nasayang lamang sa buhay sa mundong ito habang sila ay nag-aakala na sila ay magkakamit ng kabutihan sa pamamagitan ng kanilang mga gawa
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِ رَبِّهِمْ وَلِقَائِهِ فَحَبِطَتْ أَعْمَالُهُمْ فَلَا نُقِيمُ لَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَزْنًا
Sila nga ang nagtatatwa sa Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ng kanilang Panginoon at ng pakikipagtipan sa Kanya (sa Kabilang Buhay). Kaya’t ang kanilang mga gawa ay walang katuturan at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, Kami ay hindi magbibigay sa kanila ng anumang pagpapahalaga
ذَٰلِكَ جَزَاؤُهُمْ جَهَنَّمُ بِمَا كَفَرُوا وَاتَّخَذُوا آيَاتِي وَرُسُلِي هُزُوًا
Ito ang kanilang magiging kabayaran, ang Impiyerno; sapagkat sila ay hindi nagsisampalataya at nagturing sa Aking Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) at sa Aking mga Tagapagbalita bilang isa lamang paraan ng pagsasaya at panunuya
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ كَانَتْ لَهُمْ جَنَّاتُ الْفِرْدَوْسِ نُزُلًا
Katotohanan, sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng kabutihan ay magkakaroon ng Halamanan ng Al-Firdaus (Paraiso) tungo sa kanilang kaaliwan
خَالِدِينَ فِيهَا لَا يَبْغُونَ عَنْهَا حِوَلًا
Na rito, sila ay magsisipanahan (magpakailanman). walang anumang pagnanais ang hindi nila makakamtan dito

Choose other languages: