Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Jathiya Ayahs #11 Translated in Filipino

وَيْلٌ لِكُلِّ أَفَّاكٍ أَثِيمٍ
Kasawian sa bawat makasalanan na mapagkunwari
يَسْمَعُ آيَاتِ اللَّهِ تُتْلَىٰ عَلَيْهِ ثُمَّ يُصِرُّ مُسْتَكْبِرًا كَأَنْ لَمْ يَسْمَعْهَا ۖ فَبَشِّرْهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
Na nakakarinig sa mga Talata ni Allah na ipinahayag sa kanya. Datapuwa’t siya ay matigas at mapagmataas na wari bang wala siyang naririnig. Kung gayon, ipagbadya sa kanya ang kasakit-sakit na parusa
وَإِذَا عَلِمَ مِنْ آيَاتِنَا شَيْئًا اتَّخَذَهَا هُزُوًا ۚ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ مُهِينٌ
At kung siya ay makaalam ng ilan sa Aming mga Talata (ang Qur’an), tinatanggap niya ito ng may panunuya. Sa ganitong (mga tao) ay may naghihintay na kaaba-abang Parusa
مِنْ وَرَائِهِمْ جَهَنَّمُ ۖ وَلَا يُغْنِي عَنْهُمْ مَا كَسَبُوا شَيْئًا وَلَا مَا اتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْلِيَاءَ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Sa harapan nila ay mayroong Impiyerno, at walang kapakinabangan sa kanila ang anumang kanilang pinagpaguran (kinita) gayundin (ay walang kapakinabangan sa kanila) ang mga tinangkilik nila na Auliya (mga tagapangalaga, kawaksi, tagapagtanggol, atbp.) maliban kay Allah. At sasakanila ang nag-uumapaw na Parusa
هَٰذَا هُدًى ۖ وَالَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِ رَبِّهِمْ لَهُمْ عَذَابٌ مِنْ رِجْزٍ أَلِيمٌ
Ito (ang Qur’an) ang tunay na Patnubay. At sa mga nagtatakwil sa Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.) ng kanilang Panginoon, sasakanila ang isang kasakit-sakit na Parusa na kasuklam-suklam

Choose other languages: