Surah Al-Jathiya Ayahs #14 Translated in Filipino
مِنْ وَرَائِهِمْ جَهَنَّمُ ۖ وَلَا يُغْنِي عَنْهُمْ مَا كَسَبُوا شَيْئًا وَلَا مَا اتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْلِيَاءَ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Sa harapan nila ay mayroong Impiyerno, at walang kapakinabangan sa kanila ang anumang kanilang pinagpaguran (kinita) gayundin (ay walang kapakinabangan sa kanila) ang mga tinangkilik nila na Auliya (mga tagapangalaga, kawaksi, tagapagtanggol, atbp.) maliban kay Allah. At sasakanila ang nag-uumapaw na Parusa
هَٰذَا هُدًى ۖ وَالَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِ رَبِّهِمْ لَهُمْ عَذَابٌ مِنْ رِجْزٍ أَلِيمٌ
Ito (ang Qur’an) ang tunay na Patnubay. At sa mga nagtatakwil sa Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.) ng kanilang Panginoon, sasakanila ang isang kasakit-sakit na Parusa na kasuklam-suklam
اللَّهُ الَّذِي سَخَّرَ لَكُمُ الْبَحْرَ لِتَجْرِيَ الْفُلْكُ فِيهِ بِأَمْرِهِ وَلِتَبْتَغُوا مِنْ فَضْلِهِ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ
SiAllah ang naggawad na ang karagatan ay mapasailalim sa inyo (mahawakan sa pag-uutos), upang ang mga barko ay lumayag dito sa pamamagitan ng Kanyang Kautusan upang kayo ay magsihanap ng Kanyang mga Biyaya, at kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat
وَسَخَّرَ لَكُمْ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا مِنْهُ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ
At ipinailalim Niya sa inyo (sa Kanyang kapahintulutan) ang lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan; ang lahat ng mga ito ay bilang kaloob at kabaitan mula sa Kanya. Pagmasdan! Katotohanang naririto ang mga Tanda sa mga tao na nagmumuni-muni
قُلْ لِلَّذِينَ آمَنُوا يَغْفِرُوا لِلَّذِينَ لَا يَرْجُونَ أَيَّامَ اللَّهِ لِيَجْزِيَ قَوْمًا بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
Ipagbadya mo (o Muhammad) sa mga sumasampalataya, na patawarin (nila) ang mga (gumagawa ng kasahulan sa kanila) at hindi umaasa sa Araw ni Allah (alalaong baga, ang Kanyang Kabayaran). Nasa sa Kanya ang kabayaran (para sa mabuti o masama) ng mga tao, ng ayon sa kanilang pinagsumikapan.[Ang kautusan sa Talatang ito ay pinawalang saysay ng Talata ng Jihad (Banal na Pakikipaglaban) laban sa mga mapagsamba sa diyus- diyosan, Qur’an
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
