Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Jathiya Ayahs #16 Translated in Filipino

اللَّهُ الَّذِي سَخَّرَ لَكُمُ الْبَحْرَ لِتَجْرِيَ الْفُلْكُ فِيهِ بِأَمْرِهِ وَلِتَبْتَغُوا مِنْ فَضْلِهِ وَلَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ
SiAllah ang naggawad na ang karagatan ay mapasailalim sa inyo (mahawakan sa pag-uutos), upang ang mga barko ay lumayag dito sa pamamagitan ng Kanyang Kautusan upang kayo ay magsihanap ng Kanyang mga Biyaya, at kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat
وَسَخَّرَ لَكُمْ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا مِنْهُ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ
At ipinailalim Niya sa inyo (sa Kanyang kapahintulutan) ang lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan; ang lahat ng mga ito ay bilang kaloob at kabaitan mula sa Kanya. Pagmasdan! Katotohanang naririto ang mga Tanda sa mga tao na nagmumuni-muni
قُلْ لِلَّذِينَ آمَنُوا يَغْفِرُوا لِلَّذِينَ لَا يَرْجُونَ أَيَّامَ اللَّهِ لِيَجْزِيَ قَوْمًا بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
Ipagbadya mo (o Muhammad) sa mga sumasampalataya, na patawarin (nila) ang mga (gumagawa ng kasahulan sa kanila) at hindi umaasa sa Araw ni Allah (alalaong baga, ang Kanyang Kabayaran). Nasa sa Kanya ang kabayaran (para sa mabuti o masama) ng mga tao, ng ayon sa kanilang pinagsumikapan.[Ang kautusan sa Talatang ito ay pinawalang saysay ng Talata ng Jihad (Banal na Pakikipaglaban) laban sa mga mapagsamba sa diyus- diyosan, Qur’an
مَنْ عَمِلَ صَالِحًا فَلِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ أَسَاءَ فَعَلَيْهَا ۖ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمْ تُرْجَعُونَ
Kung sinuman ang gumawa ng matuwid na gawa, ito ay para sa kanyang sariling kapakanan; at kung sinuman ang gumawa ng masama, ito ay gawa na laban sa kanyang (sariling) kaluluwa. Sa huli, kayo ay muling magbabalik sa inyong Panginoon
وَلَقَدْ آتَيْنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ الْكِتَابَ وَالْحُكْمَ وَالنُّبُوَّةَ وَرَزَقْنَاهُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ وَفَضَّلْنَاهُمْ عَلَى الْعَالَمِينَ
At katotohanang (noon pang una) ay Aming ipinagkaloob sa Angkan ng Israel ang Kasulatan, ang pang- unawa sa Kasulatan at sa kanyang mga Batas (kapangyarihan sa Pag-uutos), at ang Pagka-propeta. Iginawad Namin sa kanila ang kanilang ikabubuhay, ang mga bagay na mainam at dalisay, at Aming ginawaran sila ng higit na biyaya sa lahat ng mga nilalang (sa kanilang panahon)

Choose other languages: