Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Jathiya Ayahs #31 Translated in Filipino

وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَيَوْمَ تَقُومُ السَّاعَةُ يَوْمَئِذٍ يَخْسَرُ الْمُبْطِلُونَ
Kay Allah lamang ang pag-aangkin ng Kapamahalaan (Kaharian) ng kalangitan at kalupaan. At sa Araw na ang oras (ng Paghuhukom) ay ititindig, sa Araw na ito, ang mga tagasunod ng kabulaaan (sinungaling, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig, atbp.) ay paglalahuan (ng lahat-lahat)
وَتَرَىٰ كُلَّ أُمَّةٍ جَاثِيَةً ۚ كُلُّ أُمَّةٍ تُدْعَىٰ إِلَىٰ كِتَابِهَا الْيَوْمَ تُجْزَوْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
At inyong mapagmamalas na ang bawat bansa (pamayanan) ay mangangayupapa sa kanyang mga tuhod (na nakaluhod), ang bawat bansa ay tatawagin sa kanyang Talaan (ng mga gawa). “Sa Araw na ito, kayo ay babayaran sa lahat ng inyong mga ginawa.”
هَٰذَا كِتَابُنَا يَنْطِقُ عَلَيْكُمْ بِالْحَقِّ ۚ إِنَّا كُنَّا نَسْتَنْسِخُ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
“Naririto, ang Aming Talaan ay magpapahayag sa inyo ng may katotohanan, sapagkat katotohanang hindi Kami nakaligta na ilagay sa Talaan (ang Aming mga anghel ay nagtatala ng inyong mga gawa) ang lahat-lahat ng inyong mga ginawa.”
فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ فَيُدْخِلُهُمْ رَبُّهُمْ فِي رَحْمَتِهِ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْمُبِينُ
At sa mga nagsisampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsigawa ng kabutihan, sila ay tatanggapin ng kanilang Panginoon sa Kanyang Habag. Ito ang Pinakamataas na Tagumpay
وَأَمَّا الَّذِينَ كَفَرُوا أَفَلَمْ تَكُنْ آيَاتِي تُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ فَاسْتَكْبَرْتُمْ وَكُنْتُمْ قَوْمًا مُجْرِمِينَ
Datapuwa’t sa mga nagsipagtakwil kay Allah, (sa kanila ay ipahahayag): “Hindi baga ang Aming mga Talata ay ipinahayag sa inyo? Datapuwa’t kayo ay mapagmataas, at kayo ay mga tao na naging Mujrimun (mga nalulong sa kasalanan, walang pananalig, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, atbp.).”

Choose other languages: